Some Are Smarter Than Others Series
1987 nung kami'y mangupahan sa mga kuya Andoy at agad kaming naging malapit sa isa't isa dahil partner kami sa pag-aalaga ng aking mga manok. Magkasama kami sa pagpapatuka ng manok sa umaga at magkasama pa rin kapag kami'y nagsasabong tuwing walang pasok.
At minsan isang umaga, habang ako'y nangangain ng suman ay nagpasya akong pumunta sa manukan. Nakita ko ang kuya Andoy at kaagad ko siyang binati. Tumungo naman sa akin ang kuya Andoy. Nguni't pagbalik ko at pagdaan sa tapat ng kanyang bintana ay hindi na niya ako pinansin. Pamula noon ay hindi na rin niya ako kinakausap ng gasino. At kung kinakailangan niya naman akong kausapin ay Mang Belbok ang tawag niya sa akin. "Mang Belbok wala ng patuka," o di kaya nama'y "Mang Belbok painumin mo na ang manok." Sa totoo lang ay medyo sumama ang loob ko sa pagbabagong ito ng kuya Andoy. Palaisipan sa akin ang bigla niyang pananamlay sa pakikitungo sa akin.
Makalipas ang dalawang linggong ganitong sitwasyon, umaga iyon, ay nangain ako ng mais na nilabon sa tapat ng bintana ng kuya Andoy habang sinisilip ko ang manok sa flying fence. Makalipas ng limang minuto, habang inuubos ko na lang ang huling hilera ng mais ay bigla na lamang nagparinig at nagbitaw ng salita ang kuya Andoy. Mga katagang hinding hindi ko na siguro malilimutan hangga't ako'y nabubuhay. Mga katagang para sa aki'y mas mahalaga pa kung hindi man kahilera na ng "I shall return" ni Douglas MacArthur,"There is nothing to fear but fear itself" ni Franklin Delano Roosevelt at "I came, I saw, I conquered" ni Julius Caesar. At ito nga ang binitawhang salita ng aking kuya Andoy: "Tama ba yun Andoy? Ha? Putang ina eh! Hindi man lang ako inalok eh! Tama ba yun?" Right there and then ay biglang nagliwanag ang aking isipan at naisip ko na yun palang hindi ko pag-aalok ng suman nung kabilang linggo at mais kanina ay isang napakalaking pagkakamali. Ang kawalan pala ng basic courtesy o yung hindi pag-aalok ng kinakain mo sa iyong kaharap ay isang "Mortal Sin" pala para sa kuya Andoy.
Kaya napagdesisyunan ko na bukas na bukas din ay kukuhanin ko ang anumang kakanin na dadalhin ng aking Mama buhat sa palengke. At kinaumagahan nga pagkagising ko'y kaagad akong bumaba para tingnan kung ano ang pasalubong at nakita ko ang tamales na nakapatong sa lamesa. Nguni't hindi ko ito makuha dahil nakabantay ang aking Ina sa pinamili. Panay ang sulyap niya sa mga ito na animo baga'y guwardiya sa Alcatraz at ang tamales ay si Al Capone. Gayundin naman ay naghihimay ng kadios ang aming feeling sexy na katulong na saksakan naman ng sama ang mukha (see Alexis' album for proof). Mahigpit ang pagmamatyag niya sa pinamili na anaki baga'y miyembro ng Elite K9 unit ng Bureau of Customs and Quarantine at ang tamales ay nasabat na kontrabando.
Panay ang halakhakan nila habang nag-iistoryahan kaya ng malingat sila'y kaagad ko'ng dinampot ang tamales, tinago sa loob ng aking damit at sirit na akong papunta sa kubo ng kuya Andoy sa likod. Pagkapasok ko'y kaagad kong tinalupan ang tamales, pinaghiwalay, inalagay sa tig-isang platito, binudburan saka nilagyan ng matamis at tinawag ko na ang kuya Andoy. Kako'y kuya Andoy kita ng kumain, "ano yan" kako'y tamales. Lumabas ang kuya Andoy sa kanyang kuwarto nguni't ulo lamang niya ang nakalabas, "masarap iyan!" sigaw ng kuya Andoy. At ng maubos na namin ang tamales ay nag wika ang aking kuya Andoy, "Roy pakuha nga ng tubig at baso sa ilalim ng lamesita." At habang kinukuha ko ang baso't tubig ay lihim akong napangiti dahil tinawag na niya akong muli sa aking tunay na pangalan. At pamula ng umagang iyon ay naglaho na lang parang bula si "Mang Belbok."
Manuel's Memoirs
A peek on a clan from Old Lipa as told by Manuel with the hopes of these stories being passed down for generations to come.
Thursday, April 5, 2012
Tuloy ng Tuloy (Kuya Andoy)
Some Are Smarter Than Others Series
Malimit kaming magbutaw ng manok ng anak ng kuya Andoy na si Rey. At kapag siya'y lasing ay halos tatlo hanggang apat na beses naming ibutaw ang bawat manok. Ngunit lingid sa aming kaalaman ay parati palang nakamatyag ang kuya Andoy at siya'y nagagalit sa ginagawa naming ito. At tuwi kaming dadaan sa tapat ng bahay niya ay panay ang kanyang parinig,"Tuloy ng tuloy ang pagwawalangya." Kung minsan naman ay nagkaka-alpasan ang mga manok ni Rey at ang kuya Andoy ang nag-aawat. "Napaka tampalasan talaga niyang si Rey," wika ng kuya Andoy. Kako'y kuya Andoy bakit? "Aba'y nasasaktan ang mga manok eh dahil sa kapabayaan!"
Tuloy ng tuloy ang pagwawalangya din naman ang naririnig namin magkakapatid sa tuwing binabato namin ang mga manok,pusa at aso na aming maisipang batuhin. Nguni't sa totoo lang ay natatawa ako sa kuya Andoy tuwing siya'y nagagalit kapag sinasaktan namin ang mga hayop dahil kapag hapon at magkasama kami sa sabungan at nananalo ang pinustahan naming manok ay ito ang kanyang bukang bibig: "Um sige pa paluin mo pa! Nakow tusok sa ulo hahaha. Patay na iyan!" o di kaya'y "Nakupo kabit ang tari sa likod,paltak na paltak. Patay na iyan! Hahaha,okay class,finish or not finish please pass your papers." At sa mga pagkakataon na mabilis lang ang labanan dahil puso ang tama ng kalaba'y "Nakow kalinisan ang tama,Sentensiya na hahaha. And Dandala Musika!"

Aanhin pa Ang Damo
Some are Smarter Than Others Series
Sa tunay na buhay lamang ay masuwerte na kung natagal ng isang Linggo ang pensiyon ng kuya Andoy dahil araw araw siya kung magsabong. At kapag naubos na ito'y tatlo hanggang apat na beses siya kung pumunta kada Linggo sa Clinic upang kumuha ng pangsabong. Sa totoo lang ay ako'y naguguluhan sa bagay na ito dahil pakiramdam ko'y walang anak ang magbibigay ng pera sa magulang kung ito'y alam nila na ipinapatalo lamang sa sugal.
Minsan isang araw noong 1999 ay hindi na ako nakatiis at tinanong ko ang kuya Andoy sa bagay na ito.
Me : Kuya Andoy Kuya Andoy bakit ga tuwi tayong pumupupunta sa Clinic ng Ate Nini ay lagi ka na lang binibigyan ng anak mo o di kaya ng nurse ng kung minsa'y tatlong daan o di kaya'y apat na daan? Eh palagi ka namang talo sa sabong?
Kuya Andoy : Roy sinabihan ko na iyang si Dalisay na habang ako'y buhay pa ay ibigay na nila ng ibigay sa akin ang pera at huwag iyong ako'y titipirin tapos pag ako nama'y namatay ay bibilhan ako ng mahal na kabaong at mga mamahaling bulaklak sabay iiyak ng "Tatay bakit niyo kami iniwan huhuhu." Sabi ko sa mga anak ko'y ngayon pa lang ay ibigay niyo na sa akin ang pera at pag ako'y namatay ay ibalot niyo ako sa banig at itapon niyo ako sa ilog.
Me : Eh kuya Andoy,miski naman siguro sinong anak ay maoobligang magbigay kapag ganyan ang bukambibig hehehe.
Kuya Andoy : Ala'y aanhin pa ga ang damo kapag patay na ang kabayo!
Kuya Andoy and me : Hahahaha.

Subscribe to:
Posts (Atom)