Some Are Smarter Than Others Series
1987 nung kami'y mangupahan sa mga kuya Andoy at agad kaming naging malapit sa isa't isa dahil partner kami sa pag-aalaga ng aking mga manok. Magkasama kami sa pagpapatuka ng manok sa umaga at magkasama pa rin kapag kami'y nagsasabong tuwing walang pasok.
At minsan isang umaga, habang ako'y nangangain ng suman ay nagpasya akong pumunta sa manukan. Nakita ko ang kuya Andoy at kaagad ko siyang binati. Tumungo naman sa akin ang kuya Andoy. Nguni't pagbalik ko at pagdaan sa tapat ng kanyang bintana ay hindi na niya ako pinansin. Pamula noon ay hindi na rin niya ako kinakausap ng gasino. At kung kinakailangan niya naman akong kausapin ay Mang Belbok ang tawag niya sa akin. "Mang Belbok wala ng patuka," o di kaya nama'y "Mang Belbok painumin mo na ang manok." Sa totoo lang ay medyo sumama ang loob ko sa pagbabagong ito ng kuya Andoy. Palaisipan sa akin ang bigla niyang pananamlay sa pakikitungo sa akin.
Makalipas ang dalawang linggong ganitong sitwasyon, umaga iyon, ay nangain ako ng mais na nilabon sa tapat ng bintana ng kuya Andoy habang sinisilip ko ang manok sa flying fence. Makalipas ng limang minuto, habang inuubos ko na lang ang huling hilera ng mais ay bigla na lamang nagparinig at nagbitaw ng salita ang kuya Andoy. Mga katagang hinding hindi ko na siguro malilimutan hangga't ako'y nabubuhay. Mga katagang para sa aki'y mas mahalaga pa kung hindi man kahilera na ng "I shall return" ni Douglas MacArthur,"There is nothing to fear but fear itself" ni Franklin Delano Roosevelt at "I came, I saw, I conquered" ni Julius Caesar. At ito nga ang binitawhang salita ng aking kuya Andoy: "Tama ba yun Andoy? Ha? Putang ina eh! Hindi man lang ako inalok eh! Tama ba yun?" Right there and then ay biglang nagliwanag ang aking isipan at naisip ko na yun palang hindi ko pag-aalok ng suman nung kabilang linggo at mais kanina ay isang napakalaking pagkakamali. Ang kawalan pala ng basic courtesy o yung hindi pag-aalok ng kinakain mo sa iyong kaharap ay isang "Mortal Sin" pala para sa kuya Andoy.
Kaya napagdesisyunan ko na bukas na bukas din ay kukuhanin ko ang anumang kakanin na dadalhin ng aking Mama buhat sa palengke. At kinaumagahan nga pagkagising ko'y kaagad akong bumaba para tingnan kung ano ang pasalubong at nakita ko ang tamales na nakapatong sa lamesa. Nguni't hindi ko ito makuha dahil nakabantay ang aking Ina sa pinamili. Panay ang sulyap niya sa mga ito na animo baga'y guwardiya sa Alcatraz at ang tamales ay si Al Capone. Gayundin naman ay naghihimay ng kadios ang aming feeling sexy na katulong na saksakan naman ng sama ang mukha (see Alexis' album for proof). Mahigpit ang pagmamatyag niya sa pinamili na anaki baga'y miyembro ng Elite K9 unit ng Bureau of Customs and Quarantine at ang tamales ay nasabat na kontrabando.
Panay ang halakhakan nila habang nag-iistoryahan kaya ng malingat sila'y kaagad ko'ng dinampot ang tamales, tinago sa loob ng aking damit at sirit na akong papunta sa kubo ng kuya Andoy sa likod. Pagkapasok ko'y kaagad kong tinalupan ang tamales, pinaghiwalay, inalagay sa tig-isang platito, binudburan saka nilagyan ng matamis at tinawag ko na ang kuya Andoy. Kako'y kuya Andoy kita ng kumain, "ano yan" kako'y tamales. Lumabas ang kuya Andoy sa kanyang kuwarto nguni't ulo lamang niya ang nakalabas, "masarap iyan!" sigaw ng kuya Andoy. At ng maubos na namin ang tamales ay nag wika ang aking kuya Andoy, "Roy pakuha nga ng tubig at baso sa ilalim ng lamesita." At habang kinukuha ko ang baso't tubig ay lihim akong napangiti dahil tinawag na niya akong muli sa aking tunay na pangalan. At pamula ng umagang iyon ay naglaho na lang parang bula si "Mang Belbok."
A peek on a clan from Old Lipa as told by Manuel with the hopes of these stories being passed down for generations to come.
Showing posts with label Some Are Smarter Than Others. Show all posts

Thursday, April 5, 2012
Tuloy ng Tuloy (Kuya Andoy)
Some Are Smarter Than Others Series
Malimit kaming magbutaw ng manok ng anak ng kuya Andoy na si Rey. At kapag siya'y lasing ay halos tatlo hanggang apat na beses naming ibutaw ang bawat manok. Ngunit lingid sa aming kaalaman ay parati palang nakamatyag ang kuya Andoy at siya'y nagagalit sa ginagawa naming ito. At tuwi kaming dadaan sa tapat ng bahay niya ay panay ang kanyang parinig,"Tuloy ng tuloy ang pagwawalangya." Kung minsan naman ay nagkaka-alpasan ang mga manok ni Rey at ang kuya Andoy ang nag-aawat. "Napaka tampalasan talaga niyang si Rey," wika ng kuya Andoy. Kako'y kuya Andoy bakit? "Aba'y nasasaktan ang mga manok eh dahil sa kapabayaan!"
Tuloy ng tuloy ang pagwawalangya din naman ang naririnig namin magkakapatid sa tuwing binabato namin ang mga manok,pusa at aso na aming maisipang batuhin. Nguni't sa totoo lang ay natatawa ako sa kuya Andoy tuwing siya'y nagagalit kapag sinasaktan namin ang mga hayop dahil kapag hapon at magkasama kami sa sabungan at nananalo ang pinustahan naming manok ay ito ang kanyang bukang bibig: "Um sige pa paluin mo pa! Nakow tusok sa ulo hahaha. Patay na iyan!" o di kaya'y "Nakupo kabit ang tari sa likod,paltak na paltak. Patay na iyan! Hahaha,okay class,finish or not finish please pass your papers." At sa mga pagkakataon na mabilis lang ang labanan dahil puso ang tama ng kalaba'y "Nakow kalinisan ang tama,Sentensiya na hahaha. And Dandala Musika!"

Aanhin pa Ang Damo
Some are Smarter Than Others Series
Sa tunay na buhay lamang ay masuwerte na kung natagal ng isang Linggo ang pensiyon ng kuya Andoy dahil araw araw siya kung magsabong. At kapag naubos na ito'y tatlo hanggang apat na beses siya kung pumunta kada Linggo sa Clinic upang kumuha ng pangsabong. Sa totoo lang ay ako'y naguguluhan sa bagay na ito dahil pakiramdam ko'y walang anak ang magbibigay ng pera sa magulang kung ito'y alam nila na ipinapatalo lamang sa sugal.
Minsan isang araw noong 1999 ay hindi na ako nakatiis at tinanong ko ang kuya Andoy sa bagay na ito.
Me : Kuya Andoy Kuya Andoy bakit ga tuwi tayong pumupupunta sa Clinic ng Ate Nini ay lagi ka na lang binibigyan ng anak mo o di kaya ng nurse ng kung minsa'y tatlong daan o di kaya'y apat na daan? Eh palagi ka namang talo sa sabong?
Kuya Andoy : Roy sinabihan ko na iyang si Dalisay na habang ako'y buhay pa ay ibigay na nila ng ibigay sa akin ang pera at huwag iyong ako'y titipirin tapos pag ako nama'y namatay ay bibilhan ako ng mahal na kabaong at mga mamahaling bulaklak sabay iiyak ng "Tatay bakit niyo kami iniwan huhuhu." Sabi ko sa mga anak ko'y ngayon pa lang ay ibigay niyo na sa akin ang pera at pag ako'y namatay ay ibalot niyo ako sa banig at itapon niyo ako sa ilog.
Me : Eh kuya Andoy,miski naman siguro sinong anak ay maoobligang magbigay kapag ganyan ang bukambibig hehehe.
Kuya Andoy : Ala'y aanhin pa ga ang damo kapag patay na ang kabayo!
Kuya Andoy and me : Hahahaha.

Noon at Ngayon Ayon Sa Kuya Andoy
Some Are Smarter Than Others Series
Noon:
Mamay Kiko: O Alejandro, saan ka pupunta?
Kuya Andoy: Doon po.
Mamay Kiko: Saan doon!
Kuya Andoy: Doon po sa kanto maglalaro lang po.
Mamay Kiko: Ay siya'y sige. Babalik kaagad bago mag Orasyon at magdadasal tayo.
Kuya Andoy: Opo.
Ngayon:
Daddy: Anak saan ka pupunta?
Anak: Doon ho.
Daddy: Saan doon!
Anak: Ala'y sinabi ng doon, Tanong na ng tanong! Makalayas na nga sa buwisit na bahay na ito!
Noon:
Pedro: Magandang gabi po Mr. Katigbak, puwede po ba akong umakyat ng ligaw kay Maria?
Mr Katigbak: O siya sige iho, tuloy ka. Maria halika rito sa sala at may bisita ka.
At lumabas nga si Maria at naupo sila ni Pedro sa sofa na may isang dipa ang layo sa isa't isa. Nguni't may ilang minuto na silang magkaharap ay hindi pa rin makaimik si Pedro dahil may ilang dipa lang ang layo ni Mr Katigbak na nakaupo sa may veranda.
Pedro: Ahm Maria ang ganda ng inyong chandellier. Saan niyo binili iyan?
Maria: Ah binili yan ng lola ko nung nagpunta sila sa Europa bago pa man sumiklab ang ikalawang digmaan.
Pedro: Ahh. Eh yun bago niyong kalan? Ang ganda ganda. Galing din ga'ng Europa iyan?
Maria: Hindi. binili lng ng Lola ka iyan sa Avenida sa Maynila. Galing Estados Unidos daw iyan.
Pedro: Ahh. Eh Maria iyong kinain ba nating masarap na Putchero kahapon,ikaw ba nagluto nun?
Maria: Si Mama ang nagluto noon. Nagustuhan mo pala.
Mamaya maya pa'y nag ubo-ubuhan si Mr Katigbak. At panay ang tingin sa kanyang relos.
Pedro: Ahm Sir tutuloy na po ako. Marami po'ng salamat sa inyong pagtanggap.
Mr Katigbak: Siya sige Iho. Kasihan ka nawa ng Panginoon.
Ngayon:
Sonny: Tito Carding nariyan po ba si Tin-tin? Aayain ko ho sanang kumain sa labas at manood ng sine.
Carding: Nariyan Sonny, kaninang kanina ka pa nga hinihintay eh.
Sonny: Ah ganoon ho ba, eh tito Carding baka ho kami gabihin sa panonood kasi masyado ho'ng ma-traffic pa-bayan.
Carding: Walang problema Sonny Boy basta ikaw!
Sonny: Talaga ho tito! Salamat!
Carding: Walang anuman Sonny Boy! Ikaw pa, eh ang lakas mo sa akin.
Carding & Sonny: Apir!!!

Mag-siyota pa lang at Mag-asawa na Ayon sa Kuya Andoy
Some Are Smarter Than Others Series
Mag-siyota pa lang:
Mayroong mag-siyotang naglalakad sa kalye habang magka holding hands.
Lalake : Hon, dahan-dahan ka sa paglalakad ha, basa ang kalye, baka ka madulas.
Babae : Alam mo honey iyan ang gustong gusto ko sa iyo, napaka maaalalahanin mo.
Lalake : Eh hon, alam mo namang ang kaligtasan mo ang laging laman ng isipan ko!
Babae : Talaga honey? Ang sweet mo talaga! Muah!
Mag-asawa na:
Ang mag-siyota kanina ay mag-asawa na ngayon at naglalakad sila sa kalye na may tatlong dipa na ang layo ng lalake sa kanyang asawa.
Lalake : Hon bilisan mo naman. Baka naiinip na ang mga bata sa bahay. Hindi pa sila kumakain.
Babae : Sandali lang honey, basa ang kalye eh. Baka ako madulas.
Lalake : Madulas??! Madulas??! Ang sabihin mo ay sadya ka'ng makupad!
Mag-siyota pa lang:
Mayroong mag-siyotang kumakain sa isang Restaurant.
Lalake : Aba sweet, hindi pa nababawasan iyang pansit mo ah. At ang sandwich mo ay nangangalahati pa lang?
Babae : Eh sweetheart busog pa ako eh. Saka parang wala akong ganang kumain kahapon pa.
Lalake : Aba sweet, masama na iyan. Baka kung mapaano ka na niyan.
Babae : Alam mo sweetheart,iyan ang gustong gusto ko sa iyo. Napaka maaalalahanin mo.
Lalake : Eh sweet, alam mo namang ang kalusugan mo ang laging laman ng isipan ko.
Babae : Talaga sweetheart? Ang sweet sweet mo talaga! Muah!
Mag-asawa na:
Ang mag-siyota kanina ay mag-asawa na ngayon. At sila'y kumakain sa kanilang bahay.
Lalake : Aba sweet, nakaka tatlong sandwich ka na. At ang gabundok na pansit sa plato mo'y kapatagan na ngayon. Baka naman wala ng matira sa mga bata.
Babae : Eh sweetheart pasensya na. Nagutom kasi ako, sobrang daming nilabhang damit kanina.
Lalake : Naglaba??! Naglaba??! Ang sabihin mo ay sadya ka'ng matakaw!

Kuya Andoy 10,000 days
Some are Smarter than Others Series
Alam niyo ba na namatay na ang kuya Andoy noong 1978? At si Dr Mitra ng noo'y Magsino General Hospital ang nag declare na patay na nga ang kuya Andoy dahil sa sakit na malaria. At habang pinag dadasalan siya ng kanyang mga kapatid at pinsan habang hinihintay ang funeraria ay biglang nagtakbuhan ang mga nagdadasal dahil biglang nabuhay ang kuya Andoy.
Uhaw na uhaw daw ang kuya Andoy at kaagad siyang humingi ng isang basong tubig. Naging matagal at napakalayo daw ng kanyang naging paglalakakbay. At ng dumating siya sa isang malake at mataas na puting gate ay nakita niya ang isang matandang lalake na mahaba at maputi ang buhok pati na ang kanyang balbas. At ng lumapit daw siya ay tinanong daw ng matanda ang kanyang pangalan na kaagad naman niyang ibinigay. At sinabihan siya nito na hindi pa niya oras kaya kailangan pa niyang bumalik muli sa kanyang pinaggalingan.
Kaya kayong mga mahal ko'ng readers ay huwag kayong hahanga kay madam Ana Manalastas kung binigyan man siya ni San Pedro ng 100 days para maituwid ang kanyang mga pagkakamali dahil ang ating kuya Andoy ay binigyan din ni San Pedro ng 10,000 days to heaven upang maituwid din naman niya ang kanyang mga pagkakamali Hehehe...
Tuesday, November 1, 2011
Spot Inspection
Some Are Smarter Than Others Series
SPOT INSPECTION
Minsa'y pumasok ang kuya Andoy sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan at nakita niya ang kanyang mga co-teachers na nagbubulungan at mukhang kabado.
kuya Andoy : Ano ga namang agang-aga'y para kayong mga bubuyog na nagbubulungan dyan. At ang mga mukha niyo'y hindi maipinta.
Co-teachers : Eh Maestro andiyan ang mga taga Ministry of Education at iniinspection ang cleanliness ng mga eskuwela natin.
kuya Andoy : Eh ano naman ngayon?
Co-teachers : Aba maestro pag bumagsak sa pagsusuri ang mga eskuwela nati'y malamang maantala ang promotion natin bilang Teacher III.
kuya Andoy : Ah gay-on ga. Sige't pupuntahan ko ang mga bata.
At pumunta nga ang kuya Andoy sa kanyang silid-aralan.
Inspector #1 : Ikaw ba si Mr Alejandro Africa?
kuya Andoy : Ako nga po. Bakit po Mam?
Inspector #2 : Eh Maestro katatapos lang naming mag-conduct ng cleanliness inspection sa mga pupils mo. Mr Africa bakit ang hahaba at ang dudumi ng kuko ng mga eskuwela mo. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy : Aba Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2 : At bakit naman?
kuya Andoy : Eh kasi ho Mam bago ho pumasok ang mga batang iyan sa umaga ay sila muna'y naggagapas ng damo pamakain sa kanilang alagang baka't kabayo. Sa hapon naman pag-uwi'y naggagapas muli para pamakain sa kanilang alagang hayop. Pag pinaputulan ko ho ng kuko ang mga iyan ay mahihiwa ng talahib o ng urang ang dulo ng kanilang daliri. Kaawa-awa naman.
Inspector #1 : Ah ganon ba. Eh itong eskuwela mong mga lalake,kay lalago ng buhok. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy : Eh Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2 : At bakit naman?
kuya Andoy : Eh ang bilin ho kasi ng mga hukbalahap ay huwag ko daw papuputulan ng buhok ang mga eskuwela kong lalake.
Inspector #1 : At bakit daw?
kuya Andoy : Yan ho ang hindi ko alam. Pero kung gusto niyo ho ay sasamahan ko kayo sa kuta nila sa kabilang bundok at itatanong natin kung bakit.
Inspector #2 : Ah eh huwag na Maestro,hayaan mo ng malago ang buhok ng mga iyan...Eh itong mga eskuwela mong babae,grade four na'y hindi pa rin nagpapanty. Huwag mong sabihing wala ka nanamang magagawa.
kuya Andoy : Ay talagang wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #1 : At bakit nanaman!??
kuya Andoy : Aba'y ultimo ho ina ng mga iyan ay hindi rin nagpapanty eh.
Inspector #1 : Aba'y paano mo naman nalaman?
kuya Andoy : Aba'y tanaw ko ho sa bintana ang ina ng mga iyan,pag naihi'y basta na laang naupo!
Inspector 1 and 2 : Hahahahaha!

Mayaman At Mahirap Ayon sa Kuya Andoy
Some Are Smarter Than Others Series
MAYAMAN AT MAHIRAP AYON SA KUYA ANDOY
Mayaman
Nurse : Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ng pasyente natin? Ano ho ang inyong findings?
Doc : Ah si Mr. Katigbak ba? Meron siyang intestinal flu due to food poisoning.
Nurse : Ahh.
Mahirap
Nurse : Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ni mang Enteng?
Doc : Ala'y nangangain ng panis.
Nurse : Hahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Pare pare tingnan mo si Mr. Malabanan, sa sobrang kalasinga'y isinasayaw na ang lumang silya.
Usisero #2 : Hahaha kakatuwa naman palang malasing si Mr Malabanan, sa sobrang saya'y isinayaw na ang silya.
Mahirap
Usisero #1 : Pare pare tingnan mo si ka Gorio oh sa sobrang kalasinga'y isinayaw na ang silya.
Usisero #2 : Ala'y baka nasisiraan na ng bait.
Usisero #1 : Hahahaha!
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Mr. Luz oh nagkakamay habang nakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2 : Hahaha kakatuwa naman si Mr Luz, ginanahan sa pagkain kaya nagkamay. Talagang napaka down-to-earth ng taong iyan!
Mahirap
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si ka Carding, nagkakamay habang kumakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2 : Aba'y oo nga. Tsk tsk talagang napakabastos ng taong iyan. Palibhasa'y timawa.
Usisero #1 : Hahahaha!
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Mr. Kalaw oh ang gara ng suot na damit.
Usisero #2 : Mare paano namang hindi gagara eh panay stateside ang damit ni Mr. Kalaw.
Mahirap
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Isko oh ang gara ng damit!
Usisero #2 : Ala'y baka sinikwat sa sampayan!
Usisero #1 : Hahahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Donya Adela oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2 : Mare panay antigo ang alahas niyan. Minana pa sa mga ninuno niya.
Mahirap
Usisero #1 : Mare tingnan mo si aling Ising oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2 : Ala'y puwit ng baso yan. Halatang-halata naman.
Usisero #1 : Hahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Mare kawawa naman si Mrs. Roxas ano? Sa maliit na bungalow na lang pala naninirahan ngayon. Ang balita ko'y naubos daw lahat ng ari-arian dahil sa kasusugal ng asawa.
Usisero #2 : Mare ito ang iyong tatandaan, ang ibong Adarna ikulong mo man sa hawlang patpat ay ibong Adarna pa rin! At hahangaan pa rin yan ng tao kapag siya'y nakita.
Mahirap
Usisero #1 : Mare ang swerte naman ni aling Toyang, sa mansyon na pala nakatira ngayon. Balita ko'y apat daw ang anak nun sa abroad at lahat ay nagpapadala. Swerte!!!
Usisero #2 : Mare ito ang iyong pakakatandaan, ang pugo ikulong mo man sa hawlang ginto ay pugo pa din!

Kuya Andoy sa Palengke
Some Are Smarter Than Others Series
KUYA ANDOY SA PALENGKE
Sa telahan
Tindera : Mamay anong inyong hanap?
Kuya Andoy : And hanap ko'y isda.
Tindera : Si mamay naman, kita ng are'y telahan ay dito pa hahanap ng isda!
Kuya Andoy : Aba'y ikaw ang nagtanong eh. Kaya ako nagpunta dito ay sadyang bibili ako ng isda.
Tindera : Ay oo na mamay oo na.
Kuya Andoy : Ay oo na nga!!!
Sa isdaan
Kuya Andoy : Magkano areng tulingan mo?
tindera : Kinse ho ang kilo.
Kuya Andoy : Pagkamahal, (hinipo ng kuya Andoy ang isda) kalambot naman.
tindera : Malambot!?? malambot!?? yan mamay ari mo ang malambot!!!
Kuya Andoy : Aba't ang lintik na ito! Ang ari mo ang malambot!
tindera : Yan ari mo ang malambot mamay dahil matanda ka na!
Kuya Andoy : Yang ari mo ang malambot!
Nagtagal ang commotion na ito kaya mamaya-maya pa'y dumating na ang pulis.
SPO1 Aguila : O Maestro Andoy anong kaguluhan ito?
Kuya Andoy : Ay areng tinderang are eh,ang sabi'y malambot daw ang ari ko.
tindera : Ay sadya namang malambot ang ari niyan dahil matanda na iyan.
Kuya Andoy : Aba't ang lintik na ito ang ari mo ang malambot!
tindera : Ang ari mo ang malambot!
Kuya Andoy : Ang ari mo ang malambot!
SPO1 Aguila : Siya siya siya! Para walang gulo'y kapwa ari niyo'y malambot!
mga miron : Hahahahaha!

Mercadero
Some Are Smarter Than Others Series
TRIVIA
Alam niyo ba na mahilig sumali sa mga school stage play ang kuya Andoy nung siya'y nasa elementary pa lang? At ang pinakapaborito niya ay ang stage play na mercadero kung saan siya ang gumanap na mercadero at ang crush niya ang gumanap na tindera.
The conversations you are about to read below is actually pronounced in a beautiful melody with a fast to slow and slow to fast tempo.
MERCADERO
Tindera : Mercade-ro anong inyong nais bilhin? Bibili ba kayo ng damit?
Kuya Andoy : Oo nga po't siyang aming nais kung kaya't kami ay lu-ma-pit. Mag-ka-no i-to?
Tindera : Sampung piso.
Kuya Andoy : Ma-hal na-man.
Tindera : Tawaran mo.
Kuya Andoy : Apat la-mang?
Tindera : Huwag huwag nama't malulugi pa sa puhunan. Huwag huwag nama't malulugi pa sa pu-hu-nan!
Kuya Andoy's favorite verses from the book Florante at Laura.
Sa pag-ibig:
O pag-ibig na lubhang makapangyarihan,
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw!
Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
Hahamakin ang lahat masunod ka lamang!
Sa pagpapalaki ng mga bata:
Pag-ibig anaki'y aking nakilala
di dapat palakihin ang bata sa saya
At sa katuwaa'y kapag namihasa
kung lamaki na'y walang hihinting ginhawa
Sapagka't ang mundo'y bayan ng hinagpis
mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib
Lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis
anong ilalaban sa dahas ng sakit
Ang taong magawi sa ligaya't aliw
mahina ang puso't lubhang maramdamin
Inaakala pa lamang na ang hilahil
na daratna'y di matutuhang bathin
Para ng halamang lumaki sa tubig
daho'y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init
gayun din ng puso'y sa tuwa'y maniig
Munting kahirapa'y mamalakhing dala
dibdib palibhasa'y di gawing magbata
Ay bago sa mundo'y walang kisap-mata
ang tao'y mayroong sukat ipagdusa
Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
sa bait, sa muni, sa hatol ay salat
Masaklap na bunga ng maling paglingap
habag ng magulang sa irog na anak
Sa taguring bunso't likong pagmamahal
ang isinasama ng bata'y nunukal
Ang iba marahil ay sa kapabayaan
ng dapat na magturong tamad na magulang

Green Revolution
Some Are Smarter Than Others
GREEN REVOLUTION
Minsa'y pumasok ang kuya Andoy sa Bulacnin Elementary School kung saan siya ay guro at nakita nya ang kanyang mga co-teachers na nagkukuwentuhan at nagtatawanan malapit sa kanyang garden plot.
Kuya Andoy : Ano ga namang aga nyang huntahan at halakhakan nyong iyan?
Teachers : Ala'y maestro Andoy, natatawa lang kami sa Garden Plot mo. Punong puno ng damo at talahib hahahaha!
Kuya Andoy : Ay ano ga'ng pakailam nyo?
Teachers : Aba maestro,hindi mo ga alam na darating ang mga taga kagawaran ng agrikultura bukas ng umaga para sa programang green revolution ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos?
Kuya Andoy : Ay ano naman ang pakialam ko!
Teachers : Aba Maestro may gantimpalang dalwang libo para sa mananalong may pinakamagandang garden,milsingko sa ikalwa at isang libo para sa ikatlo!
Kuya Andoy : Aba'y ako ang mananalo diyan!
Teachers : Hahahahaha! Paano ka naman mananalo Maestro eh nakatiwangwang ang lote mo hahahaha.
Kuya Andoy : Ala'y basta't ako ang mananalo tapos.
Nung kinahapunan ding iyon ay pinulong ng kuya Andoy ang apat niyang eskuwela na pinaka malapit sa school ang bahay.
Kuya Andoy : Gusto nyo ga'ng magka marka ng Very Good?
Students : Opo Sir!!!
Kuya Andoy : Sige pumunta kayo dito bukas ng umaga bago magbukang liwayway.
Students : Bakit po Sir?
Kuya Andoy : Wag na kayong magtanong. Basta't pumunta kayo at mamarkahan ko kayo ng Very Good.
Students : Opo Sir!
Nung kinagabihang iyon ay gumising ng maaga ang kuya Andoy,mga alas-tres at dali dali siyang nagpunta sa palengke. Bumili siya ng mga naggagandahan at naglalakihang mga repolyo at bumili rin siya ng mga naglulusugang pechay at mustasa. Isinakay nya ito sa kanyang kalesa at daglian siyang pumunta sa kanilang eskuwelahan.
Kuya Andoy : Asan na kayo?
Students : Dito po Maestro.
Kuya Andoy : Dali,kunin nyo yung asarol at kalaykay sa likod ng puno. Asarulin nyo ang garden plot natin at tanggalin nyo ang mga damo at talahib. Pagkatapos ay kalaykayin nyo at diligan. Gusto ko'y basang basa ang lupa ha.
Students : Opo Sir.
Matapos madilig ng mga bata ang lupa'y dahan-dahang ipinatong ng kuya Andoy ang mga repolyo sa basang lupa at ibinaon nya ang mga pechay sa ikalawang plot at ang mga mustasa naman sa ikatlong plot. Lahat ay maayos ang pagkaka hilera.
Kuya Andoy : O siya sige umuwi na kayo at bukas na kayo pumasok. Wag kayong mag-bibida miski kanino tungkol dito ha. May markang Very Good na kayo sa akin.
Students : Salamat po Maestro!
At nung alas-nueve nga ng umagang iyon ay dumating na ang mga taga Kagawaran ng Agrikultura at isa-isang ininspeksyon ang lahat ng Garden Plot ng mga teachers.
Inspector #1 : At ang nanalo para sa programang Green Revolution ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos ay wala ng iba kung hindi ang garden plot ni Mr Alejandro Africa!
Inspector #2 : Tamo naman ang mga repolyo,naggagandahan at naglalakihan! At ang mga pechay at mustasa ay kay lulusog!!!!
Kuya Andoy : Aba mam alagang-alaga ko naman ho ang mga yan sa dilig at abono hehehe.
At dahil nga martial law ay kaagad na pinarangalan ang kuya Andoy sa Plaza Independencia nung kinasabaduhan at ipinagkaloob ni Mayor Carlos S. Solis ang Plaque of Appreciation at ang gantimpalang dalwang libong piso.
Nguni't ito ang nakakatuwa, nung kinalunisang iyon pagpasok ng kuya Andoy at ng kanyang mga co-teachers: Ang mga naggagandahang repolyo -lanta na! at ang mga naglulusugang pechay at mustasa -lantutay na! Hahahaha.

Principal Arguelles
Some Are Smarter Than Others
PRINCIPAL ARGUELLES
Si Mrs Arguelles ay isang maliit, matanda, at uugod-ugod na principal ng Bulacnin Elementary School. At dahil siya ay strikto at isang disiplinaryan ay natural lamang na mapag-initan nya ang easy-go-lucky na si Maestro Andoy.
Minsan isang umaga ay pumasok ang kuya Andoy at siya'y nagulat dahil wala na ang kanyang pisara at nakasandal sa dingding ang isang bagong-bagong pisara. Pinagmamasdan ng kuya Andoy ang kagandahan nito ng biglang pumasok si Prinsipal Arguelles.
P.Arguelles : O yan na Maestro Andoy ang hinihingi mong bagong pisara,ikabit mo na.
Kuya Andoy : Opo Mam. Salamat po Mam!
Makalipas ang ilang sandali.
P.Arguelles : Maestro Andoy! Ang pagkataas naman ng pisara mo. Baka hindi na maabot ng mga eskuwela mo yan. Ikabit mo nga ng tama yan.
Kuya Andoy : Opo Mam.
Makalipas ang ilang sandali.
P.Arguelles : Maestro Andoy!! Pagkababa naman nyan! Baka makuba ka na sa pagsusulat diyan. Ikabit mo nga ng tama yan.
Kuya Andoy : Opo Mam.
Lumipas muli ang ilang sandali.
P.Arguelles : Mr Africa!!! Anong kalokohan ito? Bakit nakalupagi sa sahig ang bagong pisara!! Aba'y talagang nakakaloko ka na.....
Kuya Andoy : Aba Mam,nung ikinabit ko sabi nyo pagkataas. Nung ibinaba ko naman sabi mo'y pagkababa. Ay are na ang martilyo't pako at ikaw na ang magkabit.
Students : Hahahahahaha!

Vegetarian and Sunny Side Up For Lino
Some Are Smarter Than Others
VEGETARIAN
Ang sabi ng kuya Andoy ay sapat naman daw ang kinikita nilang mag-asawa sa gastusin ng kanilang mga naglalakihang tsikiting. Maliit lng naman daw ang gastos niya sa pag-aalaga ng manok at sa pagsasabong nama'y paminsa'y talo at paminsa'y panalo. Nguni't hindi daw talaga maiiwasan sa mga magsasabong ang daanan ng tag-malas, yun bagang tuwi ka na lang magsasabong ay talo. Sa ganitong pagkakatao'y may paraan naman ang kuya Andoy para maibsan ang gastusin nila sa bahay.
Kuya Andoy : Class tomorrow our subject is about vegetables. Kailangang magdala kayo ng gulay bukas ha.
Student #1 : Sir kami po mag-dadala ng talong!
Kuya Andoy : Group A.
Student #2 : Sir kami po magdadala ng kalabasa!
Kuya Andoy : Group B.
Student #3 : Sir kami po magdadala ng sitaw at okra!
Kuya Andoy : Group C.
Kinabukasan ay naglagay ang kuya andoy ng apat na klase ng gulay sa mesa.
Kuya Andoy : Class alam niyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin sa kalabasa?
Students : Hindi pooo!
Kuya Andoy : Mayaman ito sa vitamin A na nagpapalinaw ng ating mga mata at nagpapakinis ng ating mga kutis.
Students : Ahhhhh.
Kuya Andoy : Eh dito sa talbos ng kalabasa,alam nyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin dito?
Students : Hindi pooo!
Kuya Andoy : Mayaman ito sa vitamin C na nagpapatibay ng ating resistensya laban sa sakit.
Students : Ahhhhh.
Kuya Andoy : Eh dito sa ibang gulay,alam nyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin dito?
Students : Hindi pooo!
Kuya Andoy : Dito natin makukuha ang iba pang vitamins at minerals na kinakailangan ng ating katawan para tayo'y lumakas.
Students : Ahhhhh.
Kuya Andoy : O class,alam nyo na ba kung anong sustansya ang makukuha nating sa mga gulay na ito?
Students : Oppppooooo!
Kuya Andoy : O siya sige,ilagay nyo na dine sa bay-ong ang mga dala-dala nyong gulay.
SUNNY SIDE UP FOR LITTLE LINO
Kuya Andoy : Class tomorrow our subject is about eggs. Kailangan magdala kayo ng itlog bukas ha.
Student #1 : Sir ako po magdadala ng isang itlog.
Kuya Andoy : Good!
Student #2 : Sir ako po magdadala ng dalwang itlog.
Kuya Andoy : Very Good!!
Student #3 : Sir kami po maraming alagang manok,magdadala po ako ng tatlong itlog.
Kuya Andoy : Excelennnnnt!!!
Kinabukasan ay naglaga ang kuya Andoy ng isang itlog. Tinanggal nya ang balat nito,hiniwa lengthwise at dahan-dahang inalis ang pula sa loob.
Kuya Andoy : Class alam nyo ba kung ano itong kulay puti?
Students : Hindi poooo!
Kuya Andoy : Ito ang egg white,mayaman ito sa carbohydrates na siyang kailangan ng ating katawan para sa araw-araw na gawain.
Students : Ahhhhh.
Kuya Andoy : Eh itong kulay dilaw,alam nyo ba kung ano ito?
Students : Hindi poooo!
Kuya Andoy : Ito ang egg yolk. Mayaman ito sa protina na kailangan ng ating katawan para makagawa ng muscles,para tayo'y lumakas!
Students : Ahhhhh!
Kuya Andoy : Yum yum yum (kinain ng kuya Andoy ang egg white at yolk). Class tingnan niyo si Maestro Andoy,dahil kumakain ng itlog ay lumalaki ang muscles at lumalakas. Grrrrrr! (nag-pose ang kuya Andoy na ala Mr Universe)
Students : Hahahahahaha.
Kuya Andoy : O class alam nyo na ba kung anong sustansya ang makukuha natin sa itlog?
Students : Oppoooooo!!!
Kuya Andoy : O siya sige ilagay nyo na dito sa tray yang assignment nyong itlog.

1989
Some Are Smarter Than Others
TRIVIA
Did you know that the secret to kuya Andoy's suavely glowing hair was just a simple agua oxinada mixed with salt?
1989
me : Kuya Andoy Kuya Andoy may lahi ga tayong amerkano?
Kuya Andoy : Ang sabi nila'y may lahi daw tayong kastilla pero ang pagkakaalam ko nama'y wala. Ay baken mo ga itinatanong?
me : Eh gawa kasi ng buhok mo kuya Andoy, parang sa amerkano.
Kuya Andoy : Hahaha ulandes ang tawag diyan. Madali lang yan. Kuha ka ng kalahating basong agua oxinada, haluan mo ng isang kutsaritang asin. Tapos ay idiit mo sa buhok mo gamit ang pinaglumaang sepilyo. Pag basa na ang lahat ay sakluban mo ng plastik na may butas ng sigarilyo para makahinga ang ulo mo. Ngay-on, kung lalabas ka't maiinita'y takluban mo ng supot na papel, yun pinaglagyan ng tatlong salop na bigas ay tamang-tama. A-la, pihong wala pang apat na oras ay ganito ng kaganda ang buhok mo hahahaha.
me : Hehehe ayus kuya Andoy kaya pala naman gold ang buhok mo eh.
Kuya Andoy : Hahaha ay ikaw ga, gusto mo rin ga'ng maging ulandes ang buhok mo?
me : Ah hindi na kuya Andoy, okay na sa akin ang black.
Kuya Andoy's favorite lines and verses from the book Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Balagtas.
Sa mga kaaway:
Kung ang isalubong sa iyong pagdating,
ay masayang mukha't may pakitang giliw.
Lalong pag-iingatan at kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.
Datapuwa't wag kang magpapahalata,
tarok mo ang lihim niyang nasa.
Sasandatahi'y lihim na ihanda,
ng may maipagtanggol sa araw ng digma.
Sa mga barako dito sa Lipa:
Oo nga't matapang si Aladin,
ngunit may buhay din siyang dapat na makitil.
Sa mga Marcoses:
Sa minsang ligaya'y tali na ang kasunod,
makapitong lumbay o hanggang sa matapos.
*Kuya Andoy is Manuel's paternal granduncle

Subscribe to:
Posts (Atom)