Tuesday, November 1, 2011

The Greatest Dog Trainer of All-Time

Maraming nagsasabi na ang tatay Timiong ko na ang nakita nilang pinakamagaling mag-train ng aso. At ang aso niyang si Hunter na ang pinakamatalino sa kanilang nakita. Si Hunter ay namamalengkeng mag-isa, naghahatid sa pinsan kong si Api sa eskuwelahan tuwing umaga, kumukuha ng anumang bagay na naiwan ng tatay sa kanilang bahay at marami pang iba. Kung tutuusi'y dapat matagal ng nalimot ng kanyang tropa ang tatay Timiong ngunit lagi siyang naaalala ng mga ito sa tuwing naiisip nila yung aso. Nito nga lamang June 2011 sa may Sinag-tala, habang bumibili kami ng puluta'y nakita kong nag-iinom ang grupo ni ka Arthur Nario na tiyo ni Mike at asawa naman ni Maveth --si Mike ang pillar at founding father ng modern day Texas Hold 'Em sa Sitio Matias, Brgy Balintawak, Lipa City (a stone's throw away from Figaro, the best place to go for a cup of coffee). Sabi ni ka Arthur, "Alam mo totoy, tuwing nakikita ko kayo'y naaalala ko ang pagkatali-talinong alaga ni pareng Timio." Oho nga ka Arthur, napakatalino nga ho ng tiyo kong si Art nung bata pa at alagang-alaga nga ho siya ng tatay Timiong nung siya'y nabubuhay pa..."Hindi totoy, si Hunter ang tinutukoy ko, yung alagang dal.mas.yan. ng mamay Timio mo." Ahh hehe, pasensya na ho ka Arthur, nawala sa isip ko yung tungkol sa aso...At inisa-isa na niya ang mga kuwentong hindi lamang iisandaang beses ko ng narinig at isa-isa na ring lumamig ang take-out kong pulutan dahil nalibang ako sa pakikinig.
     Inabot ko ang asong ito at talagang masasabi kong ako'y bilib na bilib. Mahal na mahal siya ng halos lahat ng nakakakilala sa kanya, kaya nga nung mamatay si Hunter ay nagkameron pa ng last rights at burying rituals bago siya inihantong sa kanyang libingan na ngayo'y kinatatayuan na ng sampayan ni Mayor Umali.
     Naaalala ko nung minsang nakaupo kami ng tatay sa may bang-ko sa tabi ng kanyang bahay. Kinuha niya ang kanyang de bombang baril at inasinta niya ang maliit na pulangga na nakadapo sa higanteng puno ng manga doon sa bakuran ng madre. Pagkaputok ng baril ay kaagad tumakbo si Hunter papunta sa may looban upang kuhanin ang bumagsak na pulangga. Whoa! What does this mean? That their minds and eyes are coordinated? Nakatingin din si Hunter sa pulanggang inaasinta at alam niyang tinamaan ito pagkaputok pa lang ng airgun! Unbelievable!!! Either napakatalino ng asong ito o napakagaling na dog trainer ng tatay Timiong! Ano kaya ang sikreto o teknik ng tatay Timiong? Hmm...
     It didn't take long for me to find out. Six months after the sorrowful death of Hunter ay natulog ako sa silong sa tabi ng tatay Timiong. He whistled the entire tune of Lupang Hinirang before sleeping. At around 5 a.m. he shook me awake and we went to the kitchen. He retrieved a medium size bottle filled with sleeping cooking oil (tulog na mantika) and in it were bits and pieces of pork, waiting to be put back to life after thousands of years in a cryogenic state. Tatay Timiong tried to revive the pathetic pork by placing it in a pan with superhot cooking oil. They started to quiver, a sign of life! Hindi pa nakuntento ang tatay at winisikan niya ito ng tubig. Alas, the succeeding burst of flame after sprinkling it has finally killed the poor pork. Tatay Timiong failed in resuscitating it but luckily for us, it became crispy chicharong baboy. "O Duyduy, kainin mo are." Ahh, ang init tatay... "Hipan mo, hiphip." Huw huw huw...Yum yum yum...Wowowee! Wowowee! Wowowee! To my yet to be born grandchild who's reading this right now, I'm gonna tell you this one time and one time only: That pork chicharon was the most delicious chicharon that I ever tasted in my entire life! Tatay Timiong ate a piece, too, and he wrapped the remainding three in a sheet of paper and he placed them inside the pocket of his dark green jogging pants. And then we went outside.
     Sa labas ay naupo ako sa bang-ko sa tabing bahay at lumakad siya patungo sa kulungan ng aso sa tabi ng makopa --the present-day garage of my cousin Rafael a.k.a. Api (a misnomer, Pampered is the appropriate nickname). Inalpasan niya ang asong si Sandra at hinimas-himas niya ang likod nito. Sumunod ay kinamot niya ang bandang tiyan and finally, hinaplos niya ang ulo nito ng matagal-tagal. Tatay took the ball and stick atop the table inside the house and he showed the ball to Sandra, ang German Shepherd na regalo ni ka Charlie. Inihagis niya ang bola ng malayo, "Sandra, get the ball!" Sandra ran and got the ball immediately. Tatay threw it again but this time a little bit further and Sandra retrieved it once again. Aha! Malapit ko ng malaman ang sikreto ng tatay! Hahaha! Siguradong meron siyang ipinahid sa kanyang kamay bago niya hinaplos sa ulo si Sandra at yun ang nagpatalino sa kanya! Hmm, what could it be? A magic lotion from Juanang Ilaya? A brain syrup maybe that came from his alien friend from outer space? Tatay Timiong's friendliness is quite limitless so it's possible! Alin kaya sa dalwa? Hmm...Hinagis muli ng tatay ng pagkalayo ang bola, lampas pa sa grahe ng kuya Andoy at tumakbo muli si Sandra para kuhanin ito. Pagbalik niya'y dumukot ng isang chicharon ang tatay at ipinakain nya ito kay Sandra. Ayun! Ang katakawan pala sa pagkasarap-sarap na chicharong baboy ang dahilan kanya laging sumusunod ang aso sa bawat sugo ng aking lolo. This time my grandfather threw the stick and he ordered Sandra to get it. I was contemplating if I would race the dog in order to eat the second chicharon but I quickly dismissed the absurd idea of outrunning Sandra for she's too fast for me. Sandra ate the second chicharon. There's still a third chicharon and I was secretly hoping that tatay would instruct me to get the ball this time. "Roy, get the ball!" Arf Arf..."Good Roy! Here Roy here." Yum yum yum yum, delisyoso! Instead, he shouted, Sandra, get my gun!" Sandra ran inside the house and she retrieved a plastic toy gun right inside my lolo's room. She ate the third and final pork. I threw Sandra a murderous look as she annoyingly and insensibly hankered for more.
     Oh God please! Where's justice in this world? Ako po si Roy Africa, tatay Timiong's grandchild and she's Sandra Sheperd (no relation to actress Cybil Sheperd), a dog, but its one for apo and three for aso huhuhu.
     So, to the Don Quixote's out there who aspire to become a superb dog trainer someday, I suggest that you train yourself first on how to cook delicious tasting chicharong baboy na akma sa panlasa ng inyong alagang aso at akma rin naman sa panlasa ng inyong mga apo.

Spot Inspection

Some Are Smarter Than Others Series


SPOT INSPECTION

     Minsa'y pumasok ang kuya Andoy sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan at nakita niya ang kanyang mga co-teachers na nagbubulungan at mukhang kabado.

kuya Andoy  :  Ano ga namang agang-aga'y para kayong mga bubuyog na nagbubulungan dyan. At ang mga mukha niyo'y hindi maipinta.
Co-teachers  :  Eh Maestro andiyan ang mga taga Ministry of Education at iniinspection ang cleanliness ng mga eskuwela natin.
kuya Andoy  :  Eh ano naman ngayon?
Co-teachers  :  Aba maestro pag bumagsak sa pagsusuri ang mga eskuwela nati'y malamang maantala ang promotion natin bilang Teacher III.
kuya Andoy  :  Ah gay-on ga. Sige't pupuntahan ko ang mga bata.

At pumunta nga ang kuya Andoy sa kanyang silid-aralan.

Inspector #1  :  Ikaw ba si Mr Alejandro Africa?
kuya Andoy    :  Ako nga po. Bakit po Mam?
Inspector #2  :  Eh Maestro katatapos lang naming mag-conduct ng cleanliness inspection sa mga pupils mo. Mr Africa bakit ang hahaba at ang dudumi ng kuko ng mga eskuwela mo. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy    :  Aba Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2  :  At bakit naman?
kuya Andoy    :  Eh kasi ho Mam bago ho pumasok ang mga batang iyan sa umaga ay sila muna'y naggagapas ng damo pamakain sa kanilang alagang baka't kabayo. Sa hapon naman pag-uwi'y naggagapas muli para pamakain sa kanilang alagang hayop. Pag pinaputulan ko ho ng kuko ang mga iyan ay mahihiwa ng talahib o ng urang ang dulo ng kanilang daliri. Kaawa-awa naman.
Inspector #1  :  Ah ganon ba. Eh itong eskuwela mong mga lalake,kay lalago ng buhok. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy    :  Eh Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2  :  At bakit naman?
kuya Andoy    :  Eh ang bilin ho kasi ng mga hukbalahap ay huwag ko daw papuputulan ng buhok ang mga eskuwela kong lalake.
Inspector #1  :  At bakit daw?
kuya Andoy    :  Yan ho ang hindi ko alam. Pero kung gusto niyo ho ay sasamahan ko kayo sa kuta nila sa kabilang bundok at itatanong natin kung bakit.
Inspector #2  :  Ah eh huwag na Maestro,hayaan mo ng malago ang buhok ng mga iyan...Eh itong mga eskuwela mong babae,grade four na'y hindi pa rin nagpapanty. Huwag mong sabihing wala ka nanamang magagawa.
kuya Andoy    :  Ay talagang wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #1  :  At bakit nanaman!??
kuya Andoy    :  Aba'y ultimo ho ina ng mga iyan ay hindi rin nagpapanty eh.
Inspector #1  :  Aba'y paano mo naman nalaman?
kuya Andoy    :  Aba'y tanaw ko ho sa bintana ang ina ng mga iyan,pag naihi'y basta na laang naupo!
Inspector 1 and 2 :  Hahahahaha!

Mayaman At Mahirap Ayon sa Kuya Andoy

Some Are Smarter Than Others Series


MAYAMAN AT MAHIRAP AYON SA KUYA ANDOY

Mayaman
Nurse  :  Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ng pasyente natin? Ano ho ang inyong findings?
Doc     :  Ah si Mr. Katigbak ba? Meron siyang intestinal flu due to food poisoning.
Nurse  :  Ahh.

Mahirap
Nurse  :  Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ni mang Enteng?
Doc     :  Ala'y nangangain ng panis.
Nurse  :  Hahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Pare pare tingnan mo si Mr. Malabanan, sa sobrang kalasinga'y isinasayaw na ang lumang silya.
Usisero #2  :  Hahaha kakatuwa naman palang malasing si Mr Malabanan, sa sobrang saya'y isinayaw na ang silya.

Mahirap
Usisero #1  :  Pare pare tingnan mo si ka Gorio oh sa sobrang kalasinga'y isinayaw na ang silya.
Usisero #2  :  Ala'y baka nasisiraan na ng bait.
Usisero #1  :  Hahahaha!

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Mr. Luz oh nagkakamay habang nakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2  :  Hahaha kakatuwa naman si Mr Luz, ginanahan sa pagkain kaya nagkamay. Talagang napaka down-to-earth ng taong iyan!

Mahirap
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si ka Carding, nagkakamay habang kumakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2  :  Aba'y oo nga. Tsk tsk talagang napakabastos ng taong iyan. Palibhasa'y timawa.
Usisero #1  :  Hahahaha!

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Mr. Kalaw oh ang gara ng suot na damit.
Usisero #2  :  Mare paano namang hindi gagara eh panay stateside ang damit ni Mr. Kalaw.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Isko oh ang gara ng damit!
Usisero #2  :  Ala'y baka sinikwat sa sampayan!
Usisero #1  :  Hahahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Donya Adela oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2  :  Mare panay antigo ang alahas niyan. Minana pa sa mga ninuno niya.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare tingnan mo si aling Ising oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2  :  Ala'y puwit ng baso yan. Halatang-halata naman.
Usisero #1  :  Hahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Mare kawawa naman si Mrs. Roxas ano? Sa maliit na bungalow na lang pala naninirahan ngayon. Ang balita ko'y naubos daw lahat ng ari-arian dahil sa kasusugal ng asawa.
Usisero #2  :  Mare ito ang iyong tatandaan, ang ibong Adarna ikulong mo man sa hawlang patpat ay ibong Adarna pa rin! At hahangaan pa rin yan ng tao kapag siya'y nakita.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare ang swerte naman ni aling Toyang, sa mansyon na pala nakatira ngayon. Balita ko'y apat daw ang anak nun sa abroad at lahat ay nagpapadala. Swerte!!!
Usisero #2  :  Mare ito ang iyong pakakatandaan, ang pugo ikulong mo man sa hawlang ginto ay pugo pa din!
Usisero #1  :  Hahahaha!

Kuya Andoy sa Palengke

Some Are Smarter Than Others Series


KUYA ANDOY SA PALENGKE

Sa telahan
Tindera         :  Mamay anong inyong hanap?
Kuya Andoy  :  And hanap ko'y isda.
Tindera         :  Si mamay naman, kita ng are'y telahan ay dito pa hahanap ng isda!
Kuya Andoy  :  Aba'y ikaw ang nagtanong eh. Kaya ako nagpunta dito ay sadyang bibili ako ng isda.
Tindera         :  Ay oo na mamay oo na.
Kuya Andoy  :  Ay oo na nga!!!

Sa isdaan
Kuya Andoy  :  Magkano areng tulingan mo?
tindera          :  Kinse ho ang kilo.
Kuya Andoy  :  Pagkamahal, (hinipo ng kuya Andoy ang isda) kalambot naman.
tindera          :  Malambot!?? malambot!?? yan mamay ari mo ang malambot!!!
Kuya Andoy  :  Aba't ang lintik na ito! Ang ari mo ang malambot!
tindera          :  Yan ari mo ang malambot mamay dahil matanda ka na!
Kuya Andoy  :  Yang ari mo ang malambot!

     Nagtagal ang commotion na ito kaya mamaya-maya pa'y dumating na ang pulis.
SPO1 Aguila  :  O Maestro Andoy anong kaguluhan ito?
Kuya Andoy  :  Ay areng tinderang are eh,ang sabi'y malambot daw ang ari ko.
tindera          :  Ay sadya namang malambot ang ari niyan dahil matanda na iyan.
Kuya Andoy  :  Aba't ang lintik na ito ang ari mo ang malambot!
tindera          :  Ang ari mo ang malambot!
Kuya Andoy  :  Ang ari mo ang malambot!
SPO1 Aguila  :  Siya siya siya! Para walang gulo'y kapwa ari niyo'y malambot!
mga miron     :  Hahahahaha!

Mercadero

Some Are Smarter Than Others Series


TRIVIA
     Alam niyo ba na mahilig sumali sa mga school stage play ang kuya Andoy nung siya'y nasa elementary pa lang? At ang pinakapaborito niya ay ang stage play na mercadero kung saan siya ang gumanap na mercadero at ang crush niya ang gumanap na tindera.
     The conversations you are about to read below is actually pronounced in a beautiful melody with a fast to slow and slow to fast tempo.

MERCADERO
Tindera         :  Mercade-ro anong inyong nais bilhin? Bibili ba kayo ng damit?
Kuya Andoy  :  Oo nga po't siyang aming nais kung kaya't kami ay lu-ma-pit. Mag-ka-no i-to?
Tindera         :  Sampung piso.
Kuya Andoy  :  Ma-hal na-man.
Tindera         :  Tawaran mo.
Kuya Andoy  :  Apat la-mang?
Tindera         :  Huwag huwag nama't malulugi pa sa puhunan. Huwag huwag nama't malulugi pa sa pu-hu-nan!

Kuya Andoy's favorite verses from the book Florante at Laura.

Sa pag-ibig:
     O pag-ibig na lubhang makapangyarihan,
     Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw!
     Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman,
     Hahamakin ang lahat masunod ka lamang!

Sa pagpapalaki ng mga bata:

      Pag-ibig anaki'y aking nakilala
     di dapat palakihin ang bata sa saya
     At sa katuwaa'y kapag namihasa
     kung lamaki na'y walang hihinting ginhawa

     Sapagka't ang mundo'y bayan ng hinagpis
     mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib
     Lumaki sa tuwa'y walang pagtitiis
     anong ilalaban sa dahas ng sakit

     Ang taong magawi sa ligaya't aliw
     mahina ang puso't lubhang maramdamin
     Inaakala pa lamang na ang hilahil
     na daratna'y di matutuhang bathin

     Para ng halamang lumaki sa tubig
     daho'y nalalanta munting di madilig
     Ikinaluluoy ang sandaling init
     gayun din ng puso'y sa tuwa'y maniig

     Munting kahirapa'y mamalakhing dala
     dibdib palibhasa'y di gawing magbata
     Ay bago sa mundo'y walang kisap-mata
     ang tao'y mayroong sukat ipagdusa

     Ang laki sa layaw karaniwa'y hubad
     sa bait, sa muni, sa hatol ay salat
     Masaklap na bunga ng maling paglingap
     habag ng magulang sa irog na anak

     Sa taguring bunso't likong pagmamahal
     ang isinasama ng bata'y nunukal
     Ang iba marahil ay sa kapabayaan
     ng dapat na magturong tamad na magulang

Green Revolution

Some Are Smarter Than Others

GREEN REVOLUTION

Minsa'y pumasok ang kuya Andoy sa Bulacnin Elementary School kung saan siya ay guro at nakita nya ang kanyang mga co-teachers na nagkukuwentuhan at nagtatawanan malapit sa kanyang garden plot.

Kuya Andoy  :    Ano ga namang aga nyang huntahan at halakhakan nyong iyan?
Teachers       :  Ala'y maestro Andoy, natatawa lang kami sa Garden Plot mo. Punong puno ng damo at talahib hahahaha!
Kuya Andoy  :  Ay ano ga'ng pakailam nyo?
Teachers       :  Aba maestro,hindi mo ga alam na darating ang mga taga kagawaran ng agrikultura bukas ng umaga para sa programang green revolution ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos?
Kuya Andoy  :  Ay ano naman ang pakialam ko!
Teachers       :  Aba Maestro may gantimpalang dalwang libo para sa mananalong may pinakamagandang garden,milsingko sa ikalwa at isang libo para sa ikatlo!
Kuya Andoy  :  Aba'y ako ang mananalo diyan!
Teachers       :  Hahahahaha! Paano ka naman mananalo Maestro eh nakatiwangwang ang lote mo hahahaha.
Kuya Andoy  :  Ala'y basta't ako ang mananalo tapos.

     Nung kinahapunan ding iyon ay pinulong ng kuya Andoy ang apat niyang eskuwela na pinaka malapit sa school ang bahay.

Kuya Andoy  :  Gusto nyo ga'ng magka marka ng Very Good?
Students       :  Opo Sir!!!
Kuya Andoy  :  Sige pumunta kayo dito bukas ng umaga bago magbukang liwayway.
Students       :  Bakit po Sir?
Kuya Andoy  :  Wag na kayong magtanong. Basta't pumunta kayo at mamarkahan ko kayo ng Very Good.
Students       :  Opo Sir!

     Nung kinagabihang iyon ay gumising ng maaga ang kuya Andoy,mga alas-tres at dali dali siyang nagpunta sa palengke. Bumili siya ng mga naggagandahan at naglalakihang mga repolyo at bumili rin siya ng mga naglulusugang pechay at mustasa. Isinakay nya ito sa kanyang kalesa at daglian siyang pumunta sa kanilang eskuwelahan.

Kuya Andoy  :  Asan na kayo?
Students       :  Dito po Maestro.
Kuya Andoy  :  Dali,kunin nyo yung asarol at kalaykay sa likod ng puno. Asarulin nyo ang garden plot natin at tanggalin nyo ang mga damo at talahib. Pagkatapos ay kalaykayin nyo at diligan. Gusto ko'y basang basa ang lupa ha.
Students       :  Opo Sir.

     Matapos madilig ng mga bata ang lupa'y dahan-dahang ipinatong ng kuya Andoy ang mga repolyo sa basang lupa at ibinaon nya ang mga pechay sa ikalawang plot at ang mga mustasa naman sa ikatlong plot. Lahat ay maayos ang pagkaka hilera.

Kuya Andoy  :  O siya sige umuwi na kayo at bukas na kayo pumasok. Wag kayong mag-bibida miski kanino tungkol dito ha. May markang Very Good na kayo sa akin.
Students       :  Salamat po Maestro!

     At nung alas-nueve nga ng umagang iyon ay dumating na ang mga taga Kagawaran ng Agrikultura at isa-isang ininspeksyon ang lahat ng Garden Plot ng mga teachers.

Inspector #1  :  At ang nanalo para sa programang Green Revolution ng Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos ay wala ng iba kung hindi ang garden plot ni Mr Alejandro Africa!
Inspector #2  :  Tamo naman ang mga repolyo,naggagandahan at naglalakihan! At ang mga pechay at mustasa ay kay lulusog!!!!
Kuya Andoy   :  Aba mam alagang-alaga ko naman ho ang mga yan sa dilig at abono hehehe.

     At dahil nga martial law ay kaagad na pinarangalan ang kuya Andoy sa Plaza Independencia nung kinasabaduhan at ipinagkaloob ni Mayor Carlos S. Solis ang Plaque of Appreciation at ang gantimpalang dalwang libong piso.
     Nguni't ito ang nakakatuwa, nung kinalunisang iyon pagpasok ng kuya Andoy at ng kanyang mga co-teachers: Ang mga naggagandahang repolyo -lanta na! at ang mga naglulusugang pechay at mustasa -lantutay na! Hahahaha.

Principal Arguelles

Some Are Smarter Than Others

PRINCIPAL ARGUELLES

     Si Mrs Arguelles ay isang maliit, matanda, at uugod-ugod na principal ng Bulacnin Elementary School. At dahil siya ay strikto at isang disiplinaryan ay natural lamang na mapag-initan nya ang easy-go-lucky na si Maestro Andoy.
 
Minsan isang umaga ay pumasok ang kuya Andoy at siya'y nagulat dahil wala na ang kanyang pisara at nakasandal sa dingding ang isang bagong-bagong pisara. Pinagmamasdan ng kuya Andoy ang kagandahan nito ng biglang pumasok si Prinsipal Arguelles.

P.Arguelles   :  O yan na Maestro Andoy ang hinihingi mong bagong pisara,ikabit mo na.
Kuya Andoy   :  Opo Mam. Salamat po Mam!

     Makalipas ang ilang sandali.

P.Arguelles    :  Maestro Andoy! Ang pagkataas naman ng pisara mo. Baka hindi na maabot ng mga eskuwela mo yan. Ikabit mo nga ng tama yan.
Kuya Andoy  :  Opo Mam.

     Makalipas ang ilang sandali.

P.Arguelles    :  Maestro Andoy!! Pagkababa naman nyan! Baka makuba ka na sa pagsusulat diyan. Ikabit mo nga ng tama yan.
Kuya Andoy  :  Opo Mam.

     Lumipas muli ang ilang sandali.

P.Arguelles    :  Mr Africa!!! Anong kalokohan ito? Bakit nakalupagi sa sahig ang bagong pisara!! Aba'y talagang nakakaloko ka na.....
Kuya Andoy  :  Aba Mam,nung ikinabit ko sabi nyo pagkataas. Nung ibinaba ko naman sabi mo'y pagkababa. Ay are na ang martilyo't pako at ikaw na ang magkabit.
Students       :  Hahahahahaha!

Vegetarian and Sunny Side Up For Lino

Some Are Smarter Than Others


VEGETARIAN

     Ang sabi ng kuya Andoy ay sapat naman daw ang kinikita nilang mag-asawa sa gastusin ng kanilang mga naglalakihang tsikiting. Maliit lng naman daw ang gastos niya sa pag-aalaga ng manok at sa pagsasabong nama'y paminsa'y talo at paminsa'y panalo. Nguni't hindi daw talaga maiiwasan sa mga magsasabong ang daanan ng tag-malas, yun bagang tuwi ka na lang magsasabong ay talo. Sa ganitong pagkakatao'y may paraan naman ang kuya Andoy para maibsan ang gastusin nila sa bahay.

Kuya Andoy  :  Class tomorrow our subject is about vegetables. Kailangang magdala kayo ng gulay bukas ha.
Student #1   :  Sir kami po mag-dadala ng talong!
Kuya Andoy  :  Group A.
Student #2   :  Sir kami po magdadala ng kalabasa!
Kuya Andoy  :  Group B.
Student #3   :  Sir kami po magdadala ng sitaw at okra!
Kuya Andoy  :  Group C.
     Kinabukasan ay naglagay ang kuya andoy ng apat na klase ng gulay sa mesa.
Kuya Andoy  :  Class alam niyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin sa kalabasa?
Students       :  Hindi pooo!
Kuya Andoy  :  Mayaman ito sa vitamin A na nagpapalinaw ng ating mga mata at nagpapakinis ng ating mga kutis.
Students       :  Ahhhhh.
Kuya Andoy  :  Eh dito sa talbos ng kalabasa,alam nyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin dito?
Students       :  Hindi pooo!
Kuya Andoy  :  Mayaman ito sa vitamin C na nagpapatibay ng ating resistensya laban sa sakit.
Students       :  Ahhhhh.
Kuya Andoy  :  Eh dito sa ibang gulay,alam nyo ba kung anong sustansya ang makukuha natin dito?
Students       :  Hindi pooo!
Kuya Andoy  :  Dito natin makukuha ang iba pang vitamins at minerals na kinakailangan ng ating katawan para tayo'y lumakas.
Students       :  Ahhhhh.
Kuya Andoy  :  O class,alam nyo na ba kung anong sustansya ang makukuha nating sa mga gulay na ito?
Students       :  Oppppooooo!
Kuya Andoy  :  O siya sige,ilagay nyo na dine sa bay-ong ang mga dala-dala nyong gulay.

SUNNY SIDE UP FOR LITTLE LINO

Kuya Andoy  :  Class tomorrow our subject is about eggs. Kailangan magdala kayo ng itlog bukas ha.
Student #1   :  Sir ako po magdadala ng isang itlog.
Kuya Andoy  :  Good!
Student #2   :  Sir ako po magdadala ng dalwang itlog.
Kuya Andoy  :  Very Good!!
Student #3   :  Sir kami po maraming alagang manok,magdadala po ako ng tatlong itlog.
Kuya Andoy  :  Excelennnnnt!!!
     Kinabukasan ay naglaga ang kuya Andoy ng isang itlog. Tinanggal nya ang balat nito,hiniwa lengthwise at dahan-dahang inalis ang pula sa loob.
Kuya Andoy  :  Class alam nyo ba kung ano itong kulay puti?
Students       :  Hindi poooo!
Kuya Andoy  :  Ito ang egg white,mayaman ito sa carbohydrates na siyang kailangan ng ating katawan para sa araw-araw na gawain.
Students       :  Ahhhhh.
Kuya Andoy  :  Eh itong kulay dilaw,alam nyo ba kung ano ito?
Students       :  Hindi poooo!
Kuya Andoy  :  Ito ang egg yolk. Mayaman ito sa protina na kailangan ng ating katawan para makagawa ng muscles,para tayo'y lumakas!
Students       :  Ahhhhh!
Kuya Andoy  :  Yum yum yum (kinain ng kuya Andoy ang egg white at yolk). Class tingnan niyo si Maestro Andoy,dahil kumakain ng itlog ay lumalaki ang muscles at lumalakas. Grrrrrr! (nag-pose ang kuya Andoy na ala Mr Universe)
Students       :  Hahahahahaha.
Kuya Andoy  :  O class alam nyo na ba kung anong sustansya ang makukuha natin sa itlog?
Students       :  Oppoooooo!!!
Kuya Andoy  :  O siya sige ilagay nyo na dito sa tray yang assignment nyong itlog.

1989

Some Are Smarter Than Others


TRIVIA
     Did you know that the secret to kuya Andoy's suavely glowing hair was just a simple agua oxinada mixed with salt?

1989
               me  :  Kuya Andoy Kuya Andoy may lahi ga tayong amerkano?
Kuya Andoy  :  Ang sabi nila'y may lahi daw tayong kastilla pero ang pagkakaalam ko nama'y wala. Ay baken mo ga itinatanong?
               me  :  Eh gawa kasi ng buhok mo kuya Andoy, parang sa amerkano.
Kuya Andoy  :  Hahaha ulandes ang tawag diyan. Madali lang yan. Kuha ka ng kalahating basong agua oxinada, haluan mo ng isang kutsaritang asin. Tapos ay idiit mo sa buhok mo gamit ang pinaglumaang sepilyo. Pag basa na ang lahat ay sakluban mo ng plastik na may butas ng sigarilyo para makahinga ang ulo mo. Ngay-on, kung lalabas ka't maiinita'y takluban mo ng supot na papel, yun pinaglagyan ng tatlong salop na bigas ay tamang-tama. A-la, pihong wala pang apat na oras ay ganito ng kaganda ang buhok mo hahahaha.
               me  :  Hehehe ayus kuya Andoy kaya pala naman gold ang buhok mo eh.
Kuya Andoy  :  Hahaha ay ikaw ga, gusto mo rin ga'ng maging ulandes ang buhok mo?
               me  :  Ah hindi na kuya Andoy, okay na sa akin ang black.

Kuya Andoy's favorite lines and verses from the book Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Balagtas.

Sa mga kaaway:
     Kung ang isalubong sa iyong pagdating,
     ay masayang mukha't may pakitang giliw.
     Lalong pag-iingatan at kaaway na lihim,
     siyang isaisip na kakabakahin.

     Datapuwa't wag kang magpapahalata,
     tarok mo ang lihim niyang nasa.
     Sasandatahi'y lihim na ihanda,
     ng may maipagtanggol sa araw ng digma.

Sa mga barako dito sa Lipa:
     Oo nga't matapang si Aladin,
     ngunit may buhay din siyang dapat na makitil.

Sa mga Marcoses:
     Sa minsang ligaya'y tali na ang kasunod,
     makapitong lumbay o hanggang sa matapos.

*Kuya Andoy is Manuel's paternal granduncle

8th of March

To the rarest gem of a person who was once our guiding light and bearer of our pain, this poem is for you.


8th of March


Zoom above and across the sky,
endless horizon on a sea of light.
Nowhere on earth will you ever find,
a loving Grandma as good as mine.


In the beginning she's all alone,
determined to live life on her own.
Away from Zamboanga she stayed here,
doting Aunt MiƱang had held her dear.


In raising her kids she showed them love,
meeting their needs was her full-time job.
After the storm,the rain subsides,
all her children are now alright.


Now her grandchildren had came along,
on to the old house they all belong.
Always attentive and always kind,
forever patient on every child.


Rise up on this occasion Inay my dear,
inside my heart the loudest cheer.
Coz you took care of us and oh so well,
a standing ovation as you bid farewell.


*Read Thoughts About Inay.

Thoughts about Inay

Once in a Blue Moon
The first and only time that I slept in my Lola's room was way back in 1982 or in the early part of 1983. We were living in our grandparents' house during that time. I can still remember the red and yellow checkered mosquito net, the maroon blanket that I didn't use 'coz I recall that it was hot that night, and my Inay who was sleeping at the double-sized bed adjacent to mine. She was so visible because of the extraordinarily bright moonlight that was shining on her.


It was probably after midnight (when I was a kid, I used to wake up in the wee hours of the morning to check on my shorts,I was a frequent bed wetter back then). When I looked outside through the diamond shaped iron grills, I noticed that there were two moons just above Ate Ilo's roof. They were identical both in size and in brightness. To my naked eyes,they were just several inches apart.


I quickly woke Inay up to tell her about the two moons. She told me that one was the moon (full-moon ) and beside it was planet Venus (a morning star). She then told me to go back to sleep which I hardly did. The sight of the twin moons was so magnificent and fantastic that I had to take a glimpse of it from time to time until both had disappeared behind our roof.


A simple life
A year's stay in our grandparents' house had enabled me to observe Inay closely. I had noticed that she always rose up very early,around 4:30 am every morning. She would bathe and dress up in her long brown dress with a matching black veil and brown and white scapular. She would then walk to the cathedral to hear the daily 5 am mass. She would return home at around 6 am with hot pandesal in hand. Afterwards, she would fry the leftover rice from the night before and cook whatever was available as viand. Then, she would boil water for coffee. A can of red queensland mantikilya was always beside the brown paper filled with pandesal.


After all of us, her kids and grandkids, had eaten, she would quickly wash the dishes and bring the leftovers outside for the cats. "Ming ming ming ming ming." She'd always hum it and the cats would run towards her. Now in her usual floral or plain duster attire, she would walk to the market, an abaca basket tucked in her left arm. She always returned via a tricycle with the basket full of either meat or fish and vegetables. More often than not, she would bring us butchi-butchi, palamig, and fruits that were in season during those days.


Depending on the day of the week, she would bring a combination of either Espesyal, Tagalog, Hiwaga, TSS, and Funny komiks rolled and wrapped in cut newspaper. Then she would prepare and cook lunch, feed us, wash the dishes, and feed the cats again. After this, she would take her siesta time watching noon time shows until she falls asleep.


At around 3pm, she'd be doing other household chores, and she would prepare and cook dinner by 6 pm. After we eat, she would, together with Tita Elvie, wash the dishes and clean the kitchen. Then she'd engage in small talk with whoever was there. Lastly, she would retire for the night.


That's about it. 24/7. Year in, year out.
I don't know how anyone could embrace a boring daily routine for the rest of their lives just to give their children a degree of consistency. Consistency in the good quality of food and the time it was being served everyday. Consistency in providing their kids with clean ironed clothes day in and day out. Etc, etc. But Inay Naida did it! She had learned to love a humdrum existence so that she could give her children and her children's kids an orderly home and a constant comfortable living.


Pet peeve
In the long years that I had been with Inay, I had never heard her, not even once, complain about her backbreaking chores. Even though stress would definitely bring the worst in most people, she had never badmouthed nor physically punished her erring children and apos even during her most stressed condition. I haven't witnessed her employ the classic pandidilat or panduduro either.


Her only pet peeve that would make her slightly mad at us, her voice rising as she would scold us, was wastage. Whenever any of us would forget to turn off the lights and appliances or turn the faucet off, she would scold us in a high voice, "hay naku, patayin ang bumbilya pag hindi ginagamit," "hay naku, patayin ang gripo pagkatapos gamitin. Maraming taong walang magamit na tubig tapos inaaksaya niyo." Or sometimes when we play with water using the garden hose, "hay naku, wag kayong mag latite. Aksaya sa tubig."


That's how she was. She had a clear distinction between accidentally breaking anything inside the house and deliberately or negligently wasting anything of value.


Lahat pantay-pantay
Living in Inay's house was like living in a war zone. Various conflicts would sometimes erupt. Sheila vs Api, Api vs Art, Art vs Noel, Noel vs Api, etc. But not even once did Inay took sides in those fights. She would never scold or lecture anyone in particular. In fact, she would never scold both parties at all. She'd never bother to know whose fault it was. She woud just sigh, "hay naku, sakit na kayo ng ulo. Ako'y nagpapahinga eh hiyawan kayo ng hiyawan" or "hay naku, ako'y mamamatay na sa inyo. Away na kayo ng away."


I know it's hard to maintain such parental neutrality. Most parents have their own favorites. Subconsciously, they will quickly reprimand their other kids who have fought against the apples of their eyes and correct it later on after they realize their mistakes. But not Inay. To her, all were equal. You could be an apo, ang bunsoy, or the guwapong malambing; but when it comes to conflicts or just about anything, we were all treated pantay-pantay.


Glass half-full
Whenever I listen to Inay and to whoever it was she's conversing with in their veranda, Inay would oftentimes praise me sometime during my stay. She would tell me, "ang guwapo ni Roy, puwedeng pang That's Entertainment!" Or, "matalino yang si Roy." These despite the fact that I was missing my front teeth and was an average or below average student in high school. However,I can tell that it wasn't flattery for I can see it in her eyes, and feel it in her voice - the sincerity of her words as she uttered it. She has this uncanny ability to make you feel good about yourself.


I have observed also in her numerous conversations with family members that she always gave positive comments for anyone that was the subject of their talks. She didn't have bad views of anyone that she knew. She never engaged in rumor mongering or chismis type of conversation.


She always had a good story to tell about someone she knew from way back. I like the story about her former neighbor in Zamboanga. He was a Chinese businessman. He had, early in his life, struggled to make a living selling mami and siopao but he ended up as one of the richest person in Zamboanga City. Her Chinese neighbor had told her that money is like a string and that whenever you earn it, you should tie it on ends and roll it in a thread-like manner. "At pag marami na, saka ka ngayon babawas ng paunt-unti. Eh tayong mga Pilipino, pagkakakita ng tali eh pinapangtustos kaagad sa layaw. Bili nare, bili nuon, kaya nauubos ang sinulid."


Sadly, though I have heard that story at least a dozen times from her, I still failed to grasp the meaning or significance of it.


Not your typical Grandma
Most parents and grannies had had to shower their loved ones with material things and nice food. They often brought them to expensive diners and famous places. They build small fortunes to leave behind their children. Aside from loving them, they do these to gain their affection and undying love. But Inay Naida doesn't need any of these to earn our love and affection. Besides, she can't afford it. Inay would give us minimal amount of money during birthdays and Christmas. Certainly not out of frugality but out of incapability. She would give us one or two pesos for buying her a bottle of coconut oil or soy sauce "dun kena ka Tilde," though.


Sans the material things was the person herself. She has devoted all her life for her loved ones. She doesn't have any form of recreation except betting few pesos daily on Jueteng. She doesn't buy fancy clothes or shoes. She doesn't buy jewelry. She doesn't go shopping in different places outside Lipa even though she could later on in life. She had not ventured in time consuming endeavors for whatever purpose. In short, she had invested all her time, energy, and resources to her family.


She doesn't speak ill against members of her family. She doesn't swore or enforce corporal punishments for any offense. She will never put you down in front of anybody. She will never embarrass you. She will never treat you with contempt for constantly adding burden to her already burdensome household chores. She's the truest form of the word mother or "Inay" as we call her.


She would always welcome us happily in her home whenever we went there. She would genuinely offer us the food on the table even if it was for Art or Maricris. She would always sincerely advise us to study hard and hear Mass every Sunday. She would always show her appreciation for our achievements. And most of all, by knowing all of us by name, we were assured of our value to her.


If your grandma doesn't know your name, then chances are, you are of no account to her.


Conspiracy
Going back to that night I had spent with Inay, I was 8 years old when it happened. Now, most people my age had surely forgotten scenes in their lives that took place 28 years ago. Sleeping in your Lola's room was presumably not that exciting or that significant to merit its retention in your brain. But those scenes close to three decades ago were still clear to me. The surrounding of that room. The bedroom fixtures and accessories. The illuminated features of Inay as she lay in her bed. Ate Ilo's house as viewed from Inay's room. I still remember it all after those long years. Why why why?


But now I understand. By providing a magnificent celestial sight on that fateful night, the Universe had conspired to make my one and only night with Inay a very memorable one.

Inay @ 84

Meron pa bang pag-ibig na hihigit,
sa pagmamahal na aming nakamit.
Ito'y mula sa Inay na kay bait,
mga apo'y aruga't may malasakit.

Para sa kanya lahat pantay-pantay,
kahit ika'y bunso o panganay.
Hain sa mesang tambakol at gulay,
basta't gutom ka'y sayo'y ibibigay.

Sa kanyang mga apo'y simple ang payo,
aral mabuti't sumimba pag linggo.
Batid niyang mahalaga sa tao,
pagmamahal kay Hesus na totoo.

Ang tagal ng walay ay di dahilan,
upang ang kagaya mo'y malimutan.
Kahit wala ka sa iyong kaarawan,
gugunitain ko't ipagdiriwang.

Ang handog ko sayo'y mumunting dasal,
at bulaklak na dadalhin sa Floral.
Hiling ko sa Diyos na Poong Maykapal,
wag pababayaan Inay kong mahal.

*Inay is Manuel's paternal Grandmother

Tatay Timiong


Sa galing nyang makisama'y walang tatalo.
Sa dami nyang barkada'y saludo ako.
Sapagkat ang tao'y maayos niyang ituring.
Meron man o wala'y di itulak kabigin.
Yan ang tatay Timiong ko nung nabubuhay pa.
Kung kumanang meyor baka nanalo siya.

Tanyag ang ngalan nya saan mang simburyo.
Dahil isa syang tunay na sabungero.
Mga panabong nya,bili man o palahi,
kasiyahan ang dala kapag nagwawagi.
"Oh anong galing ng aking alimbuyugin,
palalahian kita at pararamihin."

Si pareng Charlie,Toning Usoy at Pungos,
tuwing umaga ay sa ami'y dumaragos.
Pag-himas sa manok,umpisa ng maghapon.
Giliw sa tinale'y sanhi ng pagtitipon.
Basta't tungkol sa texas sila ay masaya.
Samahan pa ng alak,maghapo'y gaganda.

Kung kumagat ang dilim at siya'y wala pa,
doon sa pintua'y mag abang-abang ka na.
Uuwi siya ng lasing datapuwa't nanalo,
ihanda ang bulsa mo sa kanyang balato.
Pag ang galante'y inabutan mo ng lasing,
jackpot talaga! sabay tulog ng mahimbing.

Bilang lolo'y kay sarap niyang kasama.
Animo'y teenager kung siya'y mag-aasta.
Malayong lawa't dagat ang pasyalan namin.
Pag sawa na'y dun naman sa Los Banos hot spring.
Walang balakid at walang dahi-dahilan,
pupunta kami pag kanyang naisipan.

Sa tatay Timiong ko'y ako'y humahanga,
pagkatalas ng mata miski matanda na!
De bomba niyang baril lagi sa kanyang piling.
Konsentrasyon sa target ay di nababaling.
Ibon mang maliit,kay layo ng distansya,
pag inasinta niya'y patay kang bata ka!

Siya'y kilala rin sa pag-aalaga ng aso.
Aso'y natuturuan nya na parang tao.
San ka nakatalang asong namamaraka?
Matapos maghatid ng bata sa eskuwela!
Ang ngalan niya'y Hunter na ubod ng talino.
Hatid niya'y tuwa't saya sa maraming tao.

Ang kanyang mga kamay ay totoong kay galing.
Anumang uri ng sira'y kaya nyang gawin.
Kahit sakit ng manok o ng asong bahay,
biglang gumagaling sa munti nyang dantay.
Handy man,veterinaryo at electrician,
alwagi din siya at ekspert sa lutuan.

Sa mga hindi umabot ay pasensya na,
pagkat di mo na matitikman ang luto nya.
Kaldereta,champeni,o simpleng pansit lang,
sarap ng kanyang timpla'y di matatawaran.
Inihaw niyang baboy ay da best talaga!
Pag asa tindagan siya'y bantayan mo na.

Maging sa namumungang kahoy,mahusay sya.
Anaki'y lahat ng puno'y natanim na nya.
Kaalaman sa grafting ang siyang dahilan,
kaya puro prutas ang aming looban.
Avocado't lanzones,makopa't manga,
langkang minamatamis,buto'y nilalaga.

Sa pulitika nama'y di siya maiiwan.
Lahat ng naging alkalde'y kanyang kaibigan.
Isa na dito si Mayor Ruben Umali.
Siya ang bestfriend ng tatay dun sa aming tabi.
Dahil Luz Africa't Librea Malabanan,
kanya kaya nyang harapin kahit na sinuman.

Hanggang dito na lang ang aking nalalaman.
Pagkat lumisan siya nung ako'y siyam pa lang.
Sayang at di siya tumagal-tagal kahit konti,
inabot sana nya aking naging palahi.
Disin sana'y lagi kaming pasabungan,
ipagmamaneho ko siya at aalalayan.


*Tatay Timiong is Manuel's paternal Grandfather