Tuesday, November 1, 2011

The Greatest Dog Trainer of All-Time

Maraming nagsasabi na ang tatay Timiong ko na ang nakita nilang pinakamagaling mag-train ng aso. At ang aso niyang si Hunter na ang pinakamatalino sa kanilang nakita. Si Hunter ay namamalengkeng mag-isa, naghahatid sa pinsan kong si Api sa eskuwelahan tuwing umaga, kumukuha ng anumang bagay na naiwan ng tatay sa kanilang bahay at marami pang iba. Kung tutuusi'y dapat matagal ng nalimot ng kanyang tropa ang tatay Timiong ngunit lagi siyang naaalala ng mga ito sa tuwing naiisip nila yung aso. Nito nga lamang June 2011 sa may Sinag-tala, habang bumibili kami ng puluta'y nakita kong nag-iinom ang grupo ni ka Arthur Nario na tiyo ni Mike at asawa naman ni Maveth --si Mike ang pillar at founding father ng modern day Texas Hold 'Em sa Sitio Matias, Brgy Balintawak, Lipa City (a stone's throw away from Figaro, the best place to go for a cup of coffee). Sabi ni ka Arthur, "Alam mo totoy, tuwing nakikita ko kayo'y naaalala ko ang pagkatali-talinong alaga ni pareng Timio." Oho nga ka Arthur, napakatalino nga ho ng tiyo kong si Art nung bata pa at alagang-alaga nga ho siya ng tatay Timiong nung siya'y nabubuhay pa..."Hindi totoy, si Hunter ang tinutukoy ko, yung alagang dal.mas.yan. ng mamay Timio mo." Ahh hehe, pasensya na ho ka Arthur, nawala sa isip ko yung tungkol sa aso...At inisa-isa na niya ang mga kuwentong hindi lamang iisandaang beses ko ng narinig at isa-isa na ring lumamig ang take-out kong pulutan dahil nalibang ako sa pakikinig.
     Inabot ko ang asong ito at talagang masasabi kong ako'y bilib na bilib. Mahal na mahal siya ng halos lahat ng nakakakilala sa kanya, kaya nga nung mamatay si Hunter ay nagkameron pa ng last rights at burying rituals bago siya inihantong sa kanyang libingan na ngayo'y kinatatayuan na ng sampayan ni Mayor Umali.
     Naaalala ko nung minsang nakaupo kami ng tatay sa may bang-ko sa tabi ng kanyang bahay. Kinuha niya ang kanyang de bombang baril at inasinta niya ang maliit na pulangga na nakadapo sa higanteng puno ng manga doon sa bakuran ng madre. Pagkaputok ng baril ay kaagad tumakbo si Hunter papunta sa may looban upang kuhanin ang bumagsak na pulangga. Whoa! What does this mean? That their minds and eyes are coordinated? Nakatingin din si Hunter sa pulanggang inaasinta at alam niyang tinamaan ito pagkaputok pa lang ng airgun! Unbelievable!!! Either napakatalino ng asong ito o napakagaling na dog trainer ng tatay Timiong! Ano kaya ang sikreto o teknik ng tatay Timiong? Hmm...
     It didn't take long for me to find out. Six months after the sorrowful death of Hunter ay natulog ako sa silong sa tabi ng tatay Timiong. He whistled the entire tune of Lupang Hinirang before sleeping. At around 5 a.m. he shook me awake and we went to the kitchen. He retrieved a medium size bottle filled with sleeping cooking oil (tulog na mantika) and in it were bits and pieces of pork, waiting to be put back to life after thousands of years in a cryogenic state. Tatay Timiong tried to revive the pathetic pork by placing it in a pan with superhot cooking oil. They started to quiver, a sign of life! Hindi pa nakuntento ang tatay at winisikan niya ito ng tubig. Alas, the succeeding burst of flame after sprinkling it has finally killed the poor pork. Tatay Timiong failed in resuscitating it but luckily for us, it became crispy chicharong baboy. "O Duyduy, kainin mo are." Ahh, ang init tatay... "Hipan mo, hiphip." Huw huw huw...Yum yum yum...Wowowee! Wowowee! Wowowee! To my yet to be born grandchild who's reading this right now, I'm gonna tell you this one time and one time only: That pork chicharon was the most delicious chicharon that I ever tasted in my entire life! Tatay Timiong ate a piece, too, and he wrapped the remainding three in a sheet of paper and he placed them inside the pocket of his dark green jogging pants. And then we went outside.
     Sa labas ay naupo ako sa bang-ko sa tabing bahay at lumakad siya patungo sa kulungan ng aso sa tabi ng makopa --the present-day garage of my cousin Rafael a.k.a. Api (a misnomer, Pampered is the appropriate nickname). Inalpasan niya ang asong si Sandra at hinimas-himas niya ang likod nito. Sumunod ay kinamot niya ang bandang tiyan and finally, hinaplos niya ang ulo nito ng matagal-tagal. Tatay took the ball and stick atop the table inside the house and he showed the ball to Sandra, ang German Shepherd na regalo ni ka Charlie. Inihagis niya ang bola ng malayo, "Sandra, get the ball!" Sandra ran and got the ball immediately. Tatay threw it again but this time a little bit further and Sandra retrieved it once again. Aha! Malapit ko ng malaman ang sikreto ng tatay! Hahaha! Siguradong meron siyang ipinahid sa kanyang kamay bago niya hinaplos sa ulo si Sandra at yun ang nagpatalino sa kanya! Hmm, what could it be? A magic lotion from Juanang Ilaya? A brain syrup maybe that came from his alien friend from outer space? Tatay Timiong's friendliness is quite limitless so it's possible! Alin kaya sa dalwa? Hmm...Hinagis muli ng tatay ng pagkalayo ang bola, lampas pa sa grahe ng kuya Andoy at tumakbo muli si Sandra para kuhanin ito. Pagbalik niya'y dumukot ng isang chicharon ang tatay at ipinakain nya ito kay Sandra. Ayun! Ang katakawan pala sa pagkasarap-sarap na chicharong baboy ang dahilan kanya laging sumusunod ang aso sa bawat sugo ng aking lolo. This time my grandfather threw the stick and he ordered Sandra to get it. I was contemplating if I would race the dog in order to eat the second chicharon but I quickly dismissed the absurd idea of outrunning Sandra for she's too fast for me. Sandra ate the second chicharon. There's still a third chicharon and I was secretly hoping that tatay would instruct me to get the ball this time. "Roy, get the ball!" Arf Arf..."Good Roy! Here Roy here." Yum yum yum yum, delisyoso! Instead, he shouted, Sandra, get my gun!" Sandra ran inside the house and she retrieved a plastic toy gun right inside my lolo's room. She ate the third and final pork. I threw Sandra a murderous look as she annoyingly and insensibly hankered for more.
     Oh God please! Where's justice in this world? Ako po si Roy Africa, tatay Timiong's grandchild and she's Sandra Sheperd (no relation to actress Cybil Sheperd), a dog, but its one for apo and three for aso huhuhu.
     So, to the Don Quixote's out there who aspire to become a superb dog trainer someday, I suggest that you train yourself first on how to cook delicious tasting chicharong baboy na akma sa panlasa ng inyong alagang aso at akma rin naman sa panlasa ng inyong mga apo.

Spot Inspection

Some Are Smarter Than Others Series


SPOT INSPECTION

     Minsa'y pumasok ang kuya Andoy sa pinagtuturuan niyang eskuwelahan at nakita niya ang kanyang mga co-teachers na nagbubulungan at mukhang kabado.

kuya Andoy  :  Ano ga namang agang-aga'y para kayong mga bubuyog na nagbubulungan dyan. At ang mga mukha niyo'y hindi maipinta.
Co-teachers  :  Eh Maestro andiyan ang mga taga Ministry of Education at iniinspection ang cleanliness ng mga eskuwela natin.
kuya Andoy  :  Eh ano naman ngayon?
Co-teachers  :  Aba maestro pag bumagsak sa pagsusuri ang mga eskuwela nati'y malamang maantala ang promotion natin bilang Teacher III.
kuya Andoy  :  Ah gay-on ga. Sige't pupuntahan ko ang mga bata.

At pumunta nga ang kuya Andoy sa kanyang silid-aralan.

Inspector #1  :  Ikaw ba si Mr Alejandro Africa?
kuya Andoy    :  Ako nga po. Bakit po Mam?
Inspector #2  :  Eh Maestro katatapos lang naming mag-conduct ng cleanliness inspection sa mga pupils mo. Mr Africa bakit ang hahaba at ang dudumi ng kuko ng mga eskuwela mo. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy    :  Aba Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2  :  At bakit naman?
kuya Andoy    :  Eh kasi ho Mam bago ho pumasok ang mga batang iyan sa umaga ay sila muna'y naggagapas ng damo pamakain sa kanilang alagang baka't kabayo. Sa hapon naman pag-uwi'y naggagapas muli para pamakain sa kanilang alagang hayop. Pag pinaputulan ko ho ng kuko ang mga iyan ay mahihiwa ng talahib o ng urang ang dulo ng kanilang daliri. Kaawa-awa naman.
Inspector #1  :  Ah ganon ba. Eh itong eskuwela mong mga lalake,kay lalago ng buhok. Bakit mo sila hinahayaang ganyan.
kuya Andoy    :  Eh Mam wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #2  :  At bakit naman?
kuya Andoy    :  Eh ang bilin ho kasi ng mga hukbalahap ay huwag ko daw papuputulan ng buhok ang mga eskuwela kong lalake.
Inspector #1  :  At bakit daw?
kuya Andoy    :  Yan ho ang hindi ko alam. Pero kung gusto niyo ho ay sasamahan ko kayo sa kuta nila sa kabilang bundok at itatanong natin kung bakit.
Inspector #2  :  Ah eh huwag na Maestro,hayaan mo ng malago ang buhok ng mga iyan...Eh itong mga eskuwela mong babae,grade four na'y hindi pa rin nagpapanty. Huwag mong sabihing wala ka nanamang magagawa.
kuya Andoy    :  Ay talagang wala ho akong magagawa sa bagay na iyan.
Inspector #1  :  At bakit nanaman!??
kuya Andoy    :  Aba'y ultimo ho ina ng mga iyan ay hindi rin nagpapanty eh.
Inspector #1  :  Aba'y paano mo naman nalaman?
kuya Andoy    :  Aba'y tanaw ko ho sa bintana ang ina ng mga iyan,pag naihi'y basta na laang naupo!
Inspector 1 and 2 :  Hahahahaha!

Mayaman At Mahirap Ayon sa Kuya Andoy

Some Are Smarter Than Others Series


MAYAMAN AT MAHIRAP AYON SA KUYA ANDOY

Mayaman
Nurse  :  Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ng pasyente natin? Ano ho ang inyong findings?
Doc     :  Ah si Mr. Katigbak ba? Meron siyang intestinal flu due to food poisoning.
Nurse  :  Ahh.

Mahirap
Nurse  :  Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ni mang Enteng?
Doc     :  Ala'y nangangain ng panis.
Nurse  :  Hahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Pare pare tingnan mo si Mr. Malabanan, sa sobrang kalasinga'y isinasayaw na ang lumang silya.
Usisero #2  :  Hahaha kakatuwa naman palang malasing si Mr Malabanan, sa sobrang saya'y isinayaw na ang silya.

Mahirap
Usisero #1  :  Pare pare tingnan mo si ka Gorio oh sa sobrang kalasinga'y isinayaw na ang silya.
Usisero #2  :  Ala'y baka nasisiraan na ng bait.
Usisero #1  :  Hahahaha!

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Mr. Luz oh nagkakamay habang nakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2  :  Hahaha kakatuwa naman si Mr Luz, ginanahan sa pagkain kaya nagkamay. Talagang napaka down-to-earth ng taong iyan!

Mahirap
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si ka Carding, nagkakamay habang kumakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2  :  Aba'y oo nga. Tsk tsk talagang napakabastos ng taong iyan. Palibhasa'y timawa.
Usisero #1  :  Hahahaha!

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Mr. Kalaw oh ang gara ng suot na damit.
Usisero #2  :  Mare paano namang hindi gagara eh panay stateside ang damit ni Mr. Kalaw.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Isko oh ang gara ng damit!
Usisero #2  :  Ala'y baka sinikwat sa sampayan!
Usisero #1  :  Hahahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Mare mare tingnan mo si Donya Adela oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2  :  Mare panay antigo ang alahas niyan. Minana pa sa mga ninuno niya.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare tingnan mo si aling Ising oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2  :  Ala'y puwit ng baso yan. Halatang-halata naman.
Usisero #1  :  Hahaha.

Mayaman
Usisero #1  :  Mare kawawa naman si Mrs. Roxas ano? Sa maliit na bungalow na lang pala naninirahan ngayon. Ang balita ko'y naubos daw lahat ng ari-arian dahil sa kasusugal ng asawa.
Usisero #2  :  Mare ito ang iyong tatandaan, ang ibong Adarna ikulong mo man sa hawlang patpat ay ibong Adarna pa rin! At hahangaan pa rin yan ng tao kapag siya'y nakita.

Mahirap
Usisero #1  :  Mare ang swerte naman ni aling Toyang, sa mansyon na pala nakatira ngayon. Balita ko'y apat daw ang anak nun sa abroad at lahat ay nagpapadala. Swerte!!!
Usisero #2  :  Mare ito ang iyong pakakatandaan, ang pugo ikulong mo man sa hawlang ginto ay pugo pa din!
Usisero #1  :  Hahahaha!