Some Are Smarter Than Others Series
MAYAMAN AT MAHIRAP AYON SA KUYA ANDOY
Mayaman
Nurse : Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ng pasyente natin? Ano ho ang inyong findings?
Doc : Ah si Mr. Katigbak ba? Meron siyang intestinal flu due to food poisoning.
Nurse : Ahh.
Mahirap
Nurse : Doc bakit ho sumasakit ang tiyan ni mang Enteng?
Doc : Ala'y nangangain ng panis.
Nurse : Hahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Pare pare tingnan mo si Mr. Malabanan, sa sobrang kalasinga'y isinasayaw na ang lumang silya.
Usisero #2 : Hahaha kakatuwa naman palang malasing si Mr Malabanan, sa sobrang saya'y isinayaw na ang silya.
Mahirap
Usisero #1 : Pare pare tingnan mo si ka Gorio oh sa sobrang kalasinga'y isinayaw na ang silya.
Usisero #2 : Ala'y baka nasisiraan na ng bait.
Usisero #1 : Hahahaha!
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Mr. Luz oh nagkakamay habang nakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2 : Hahaha kakatuwa naman si Mr Luz, ginanahan sa pagkain kaya nagkamay. Talagang napaka down-to-earth ng taong iyan!
Mahirap
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si ka Carding, nagkakamay habang kumakain sa harap ng maraming tao.
Usisero #2 : Aba'y oo nga. Tsk tsk talagang napakabastos ng taong iyan. Palibhasa'y timawa.
Usisero #1 : Hahahaha!
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Mr. Kalaw oh ang gara ng suot na damit.
Usisero #2 : Mare paano namang hindi gagara eh panay stateside ang damit ni Mr. Kalaw.
Mahirap
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Isko oh ang gara ng damit!
Usisero #2 : Ala'y baka sinikwat sa sampayan!
Usisero #1 : Hahahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Mare mare tingnan mo si Donya Adela oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2 : Mare panay antigo ang alahas niyan. Minana pa sa mga ninuno niya.
Mahirap
Usisero #1 : Mare tingnan mo si aling Ising oh ang ganda ng suot na alahas.
Usisero #2 : Ala'y puwit ng baso yan. Halatang-halata naman.
Usisero #1 : Hahaha.
Mayaman
Usisero #1 : Mare kawawa naman si Mrs. Roxas ano? Sa maliit na bungalow na lang pala naninirahan ngayon. Ang balita ko'y naubos daw lahat ng ari-arian dahil sa kasusugal ng asawa.
Usisero #2 : Mare ito ang iyong tatandaan, ang ibong Adarna ikulong mo man sa hawlang patpat ay ibong Adarna pa rin! At hahangaan pa rin yan ng tao kapag siya'y nakita.
Mahirap
Usisero #1 : Mare ang swerte naman ni aling Toyang, sa mansyon na pala nakatira ngayon. Balita ko'y apat daw ang anak nun sa abroad at lahat ay nagpapadala. Swerte!!!
Usisero #2 : Mare ito ang iyong pakakatandaan, ang pugo ikulong mo man sa hawlang ginto ay pugo pa din!
Usisero #1 : Hahahaha!
No comments:
Post a Comment