Some Are Smarter Than Others
TRIVIA
Did you know that the secret to kuya Andoy's suavely glowing hair was just a simple agua oxinada mixed with salt?
1989
me : Kuya Andoy Kuya Andoy may lahi ga tayong amerkano?
Kuya Andoy : Ang sabi nila'y may lahi daw tayong kastilla pero ang pagkakaalam ko nama'y wala. Ay baken mo ga itinatanong?
me : Eh gawa kasi ng buhok mo kuya Andoy, parang sa amerkano.
Kuya Andoy : Hahaha ulandes ang tawag diyan. Madali lang yan. Kuha ka ng kalahating basong agua oxinada, haluan mo ng isang kutsaritang asin. Tapos ay idiit mo sa buhok mo gamit ang pinaglumaang sepilyo. Pag basa na ang lahat ay sakluban mo ng plastik na may butas ng sigarilyo para makahinga ang ulo mo. Ngay-on, kung lalabas ka't maiinita'y takluban mo ng supot na papel, yun pinaglagyan ng tatlong salop na bigas ay tamang-tama. A-la, pihong wala pang apat na oras ay ganito ng kaganda ang buhok mo hahahaha.
me : Hehehe ayus kuya Andoy kaya pala naman gold ang buhok mo eh.
Kuya Andoy : Hahaha ay ikaw ga, gusto mo rin ga'ng maging ulandes ang buhok mo?
me : Ah hindi na kuya Andoy, okay na sa akin ang black.
Kuya Andoy's favorite lines and verses from the book Florante at Laura ni Francisco Baltazar aka Balagtas.
Sa mga kaaway:
Kung ang isalubong sa iyong pagdating,
ay masayang mukha't may pakitang giliw.
Lalong pag-iingatan at kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.
Datapuwa't wag kang magpapahalata,
tarok mo ang lihim niyang nasa.
Sasandatahi'y lihim na ihanda,
ng may maipagtanggol sa araw ng digma.
Sa mga barako dito sa Lipa:
Oo nga't matapang si Aladin,
ngunit may buhay din siyang dapat na makitil.
Sa mga Marcoses:
Sa minsang ligaya'y tali na ang kasunod,
makapitong lumbay o hanggang sa matapos.
*Kuya Andoy is Manuel's paternal granduncle
No comments:
Post a Comment