Some Are Smarter Than Others Series
KUYA ANDOY SA PALENGKE
Sa telahan
Tindera : Mamay anong inyong hanap?
Kuya Andoy : And hanap ko'y isda.
Tindera : Si mamay naman, kita ng are'y telahan ay dito pa hahanap ng isda!
Kuya Andoy : Aba'y ikaw ang nagtanong eh. Kaya ako nagpunta dito ay sadyang bibili ako ng isda.
Tindera : Ay oo na mamay oo na.
Kuya Andoy : Ay oo na nga!!!
Sa isdaan
Kuya Andoy : Magkano areng tulingan mo?
tindera : Kinse ho ang kilo.
Kuya Andoy : Pagkamahal, (hinipo ng kuya Andoy ang isda) kalambot naman.
tindera : Malambot!?? malambot!?? yan mamay ari mo ang malambot!!!
Kuya Andoy : Aba't ang lintik na ito! Ang ari mo ang malambot!
tindera : Yan ari mo ang malambot mamay dahil matanda ka na!
Kuya Andoy : Yang ari mo ang malambot!
Nagtagal ang commotion na ito kaya mamaya-maya pa'y dumating na ang pulis.
SPO1 Aguila : O Maestro Andoy anong kaguluhan ito?
Kuya Andoy : Ay areng tinderang are eh,ang sabi'y malambot daw ang ari ko.
tindera : Ay sadya namang malambot ang ari niyan dahil matanda na iyan.
Kuya Andoy : Aba't ang lintik na ito ang ari mo ang malambot!
tindera : Ang ari mo ang malambot!
Kuya Andoy : Ang ari mo ang malambot!
SPO1 Aguila : Siya siya siya! Para walang gulo'y kapwa ari niyo'y malambot!
mga miron : Hahahahaha!
No comments:
Post a Comment